#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway

38K 446 124
                                    

#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway

Kendrick Juliart Adriano's POV

"Belle!"

Pagkapasok ko sa tent na pinaghahandaan nila, halos lahat ng taong nandun ay nagulat sa pagpasok ko.

Hindi ko alam kung anong iniisip nila ngayon. Mukha siguro akong nababaliw na nakatayo sa kanilang mga harapan--gulo-gulo ang suot na damit at ang buhok na walang suklay.

Mukha siguro akong talunan.

Malamang nga ay talunan na ako.

"Kendrick? Bro?"

Agad kong nakita na palapit sa kinatatayuan ko ang aking kaibigan na si Justin. Ang totoo niyan madaming pamilyar na mukha katulad nila Jade, Glorie at sila Jesse at Leo ang nakita ko na nandun sa loob.

Pero lahat sila ay parang naging isang anino lamang.

Nang makita ko siya. Nang makita ko ang nag-iisang babaeng, alam ko na mahal ko at mamahalin ko hanggang maubusan ako ng hininga, lahat sila ay para na lang naging isang madilim na anino. Lahat sila ay naglaho sa aking paningin.

Buong atensyon ko ay napunta lang kay Belle. Sa babaeng nakasuot na ng puting traje de boda na nakatitig sa akin.

Puting-puti ang suot niyang wedding gown. Hindi ko maiwasang hindi pangilabutan. Ganitong ganito kasi ang naiisip kong itsura niya sa kasal naming dalawa. Hindi sa kasal na'to o ng kanino man. Sa aming dalawa.

She'll be the bride and I'll be the groom. I will wait for her at the altar and we'll say our vows. We'll be a family. We'll have kids and I will teach them how to live. I will take care of them until the moment that I die.

We will love each other...forever.

That's the plan.

Our plan.

Kaya, putang ina. Ano na ang nangyayari ngayon?!

"Belle? A-ano ibig sabihin nito?" hindi ko maiwasang hindi manginig ang boses. F-cuk. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari! I'm mad... I am hopeful...I am hopeless...

Sumugod ako sa kinatatayuan niya. Kahit na hinarang na ako nila Justin at ng iba pa ay hindi ako nagpatinag at itinulak sila papalayo. Wala akong makita kung hindi siya lang. Siya lang naman ang importanteng ipinunta ko dito at hindi sila.

I need to reach her.

Nang marating ko siya ay ngumiti ako at hinawakan na ang kanyang kamay para maitakas na siya dito. Alam kong isang malaking biro lang ito. O di kaya isa lang itong masamang panaginip. Magigising din kaming dalawa. Maitatakas ko din siya dito. Magiging masaya din kami.

Pero lahat ng pag-asa kong iyon ay naglaho ng bitawan niya ang kamay ko. Halos magwala ang puso ko ng hindi siya sa akin sumunod.

"Lika na Belle. You don't have to do this. I know you don't love Nico. Alam ko na ako lang ang mahal mo. Hindi ba't sinabi mo 'yun sa akin kagabi? Na mahal mo ako? You said yes, to me Belle. Sinabi mong papakasalan mo ako. Sinabi mong--putang ina Belle, halika na. Sabihin mo sa aking masamang biro lang ito. Belle--"

Nagsimula na naman siyang umiyak. BAKIT? Bakit palagi na lang siyang umiiyak? Hindi ba't dapat maging masaya siya dahil itatakas ko siya sa kasal na ayaw niya? Bakit palagi na lang siyang umiiyak sa tuwing sasabihin kong mahal ko siya?

"I am so sorry Kendrick," humagulgol siya sa harapan ko at ipinilit niyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya.

Wala akong maintindihan. Anong ibig sabihin nito... akala ko ba...

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon