Season 1 |2|>>#TheBitch

168K 2.9K 271
                                    

Belle's POV


"Hey, bitch what's up?"


"Where are you? Kanina pa ako naghihintay dito B! antagal mo!"


Oh for the love of god! Grabe naman makasigaw itong si Jade parang wala ng bukas. Hindi ko naman kasalanan na tanghali na ako nagising no! Hello? Gabi na kaya ako nakauwi.


"Ugh! Hindi mo kailangan sumigaw. Wait there for another five minutes, I'll just take my meds and a nice cold shower and I'm off."


"Make sure you'll be here before ten. My new client tayo."


"Really? But I don't want to take another client!"


"Fine. Just hurry up!"


"Bye. Love yah bitch."


"Same to you Bitch."


Hay, alam kong parang ang weird naming dalawa lalo na ang tawagan naming ay 'bitch' but who cares? Way naming yun pang lambingan may magagawa ka ba?


Anyways, ako nga pala si Maria Isabella Asuncion Silva. Alam ko na ang nasa isip ninyo. Wag kayong mag-alala yan din ang tingin ko sa pangalan ko. Mabaho, panget at walang kwentang pangalan. Yan ang isa sa pinag- aawayan naming ng parents ko, kung bakit naman sa kinaganda ganda ng anak nila ang panget ng napili nilang pangalan. Pero, ano pa ang magagawa ko e nandyan na yan.


Pero ang tawag nila ngayon sa akin ay 'B' or minsan pag may topak sila Jade at Gem, Belle ang tawag nila.


I'm studying sa Brent University For Arts kinukuha kong kurso ay BA Communication minor in theater. O diba sosyal? Ha! Kung alam niyo lang. My parents just forced me to attend that course even if I didn't want to. Ano nga ba ulit magagawa ko? I am just a dumb and a spoiled child in their eyes.


Gusto ko sanang sabihin na simple lang akong babae at walang ipagmamalaki, but then again I am not that kind of girl.


Let's just say, I am the only daughter of the owners of Silva Entertainment . Kaya nga Communication Arts ang pinakuha sa akin eh. Asus! ang maganda lang naman dun ay tuturuan kami about sa field ng photography, yun lang at wala ng iba.


Hindi ko alam kung ano ang tingin sa akin ng iba. And honestly? I don't give a damn.


Care ko ba kung tawagin nila akong bitch, whore, at slut dahil lang sa hobby ko? As long as I am happy wala na akong pakielam sa iba. At kung ano yung hobby ko, let's just say...hindi siya typical hobby ng isang babaeng katulad ko.


Nag vibrate yung phone ko at nung tiningna ko kung sino, si Gem lang pala.


B where na you? You're late!


Nag reply naman agad ako sa kanya


Wait for me. Don't make any arrangements habang wla pa ako jan.


Ilalagay ko na sana yung phone ko sa bag ng may nagvibrate ulit. Grabe naman tong babae na ito ang bilis mag text!


Just Hurry up! Nandito na yung client natin!


Hay eto ang ayaw ko eh, yung pinagmamadali ako.


Ininom ko na yung meds ko tapos naligo at nagbihis na. Hindi na ako nag aksaya pang kumain, hindi naman ako gutom at nasa condo ako ngayong walang maid na magluluto.


Syempre pinili kong suoting yung bagong red dress ko. Body fitting siya at plunging neckline pa,ayoko ko kasing madissapoint yung new clients namin. Mahirap na baka hindi pa siya ma satisfy. Kinulot ko yung buhok ko at pinabayaang na nakalugay lang. Hindi ko na rin masyadong nilagyan ng make-up yung mukha ko, at simpeng lip-gloss at pulbos lang ang nilagay ko.


Tiningnan ko yung sarili ko sa full length mirror katabi ng queen sized bed ko.


Grabe talaga, ang laki na ng pinagbago ko after how many years simula ng iniwan niya ako...ibang iba na ako ngayon.


Sana kung nasaan man yung tao na iyon, sana nahihirapan siya...sana nararamdaman niya ngayon kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin...sana...sana...


Ugh! Dapat hindi ko na siya iniisip ngayon! Apat na taon nang nakalipas at naka move on na ako! Makaalis na nga!


Pero bago pa ako makaalis, may naka catch ng attention ko.


Isang salamin sa mata.


Ngumiti lang ako nang maalala ko kung anong nangyari kagabi.


Alam ko magkikita ulit kami nung lalaki na iyon. Nararamdaman kong kakagat siya sa alok ko.


At hindi na ako makapaghintay na tulungan siya at ibigay sa kanya ang walang kapantay na service ni Belle Silva.



Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon