Season 1|20|>>#ThousandSunsets

113K 1.3K 962
                                    


Season 1|20|>>#ThousandSunsets

GEM'S POV

"Kendrick?"

Dahil medyo malapit lang siya sa akin ay isinigaw ko ang pangalan niya. Kaso patuloy lang siyang naglakad na tila walang narinig, dahil siguro iyon sa earphones na nakalagay sa kanyang tainga. But I am dead sure it's him. Kahit na naka aviator glasses pa siya, at kahit na nakasuot siya ng isang itim na t-shirt at low-cut jeans at may nakakapit pa na super cute na batang babae sa damit niya. Alam kong siya yun...at sigurado din ako doon.

"Kendrick!"

Napalakas ang sigaw ko sa kanya kaya ayun! Napansin din ako sa wakas.
Buti naman at napatingin na siya sa akin. Nagulat pa nga ata siya ng ilang sandali tapos tinaggal niya yung earphones niya sa tainga niya at lumuhod sa harapan ng batang babaeng kasama niya.

Kinausap niya ata yung super cute na bata. Omo! Kahit sa malayuan ay ang cute talaga nung baby girl! Ang pula-pula ng pisngi at sobrang tabachingching! Tapos talon pa siya ng talon at galaw pa siya ng galaw kaya parang nahihirapan na sa kanya yung kasama niyang yaya.

Nang medyo abot-kamay ko na silang parehas ng kuya niya ay narinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.

"Be good to her Em-em, okay? She's my friend so don't be rude to her. Understand?"

"Okieeee! Kuya Ken, I promise I'll be a good girl!"

Mas lumapit pa ako sa kinatatayuan nila at nagpasya nang magpakilala.

"Annyeonghaseyo! Kendrick, sister mo?"

Ngumiti sa akin si Ken at ginulo muna yung buhok ng super cute niyang kapatid bago tumayo at humarap sa akin.

"Yes."

Tumango ako sa kanya at medyo nag squat sa harapan ng baby girl para maka-usap ko siya ng maayos.

Aish! Mas lalo pang naging maganda at cute ang kapatid niya sa malapitan! Napaka mestisa tapos super light brown ang eyes! Mahaba and shiny din yung hair niya, halatang alagang- alaga. Pero bakit ganun? Bakit 'di sila magkamukha? Para kasing may lahing Americana itong kapatid niya.

"Anneyong! I am Gem, but just call me eonni (big sister), okay? Yua (baby girl) what's your name?"

"My name is Emmione Raven Shin Adriano! I am four years old. I lived it our dad's big house! May kasabihan po tayo na ang batang mataba gusto ni Bossing! Muamuachupchup api berdey bossing! I tenchuuu!"

Omo! Haha! Grabe! Hindi ko mapigilan tumawa! Kyeopta! Name pa lang niya ang tinanong ko pero ang sagot niya pang Little Miss Philippines na! At yung 'muamuachup api berdey bossing' niya? Kyeopta!

Hindi pa nagtagal pati si Ken at yung yaya ni Em-em nakitawa na din. Hindi pa nga sana ako titigil kaso napansin kong paiyak na si Em-em kaya pinigil ko muna yung kabaliwan ko at tinanong siya.

"What's wrong yua?"

"You and Kuya Ken and yaya Ailah are laughing at me!You're bad!"

"Mianhe! Uh, I mean sorry Baby! I am just happy with your answers. It's like you will join the Miss Philippines!"

Nag stomp siya ng feet niya sabay pout at nagpamewang. "That's because eonni, I want to become one!"

Nagkamot ng batok si Kendrick at mahiyang-hiyang tumingin sa akin. "Pangarap niya maging miss Philippines Gem, kaya nagpapapractice na siya."

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon