Season 1 |33|>>#SleepOver

96.3K 1.1K 101
                                    

Kendrick's POV

"Papabebe, ano sasabihin ko sa kanila?"

"Huh? Kanino?"

"Sa pamilya mo,"

"Ewan,"

"Anong ewan? Dali na! Para makapag ready naman ako bago tayo pumasok,"

"Maganda ka na't matalino pa, sigurado naman akong walang masasabi sa'yo ang mga kapatid ko kapag nakilala ka na nila. Kaya lika na sa loob , naantok na ako."

"Alam ko namang maganda na ako at matalino, pero seryoso ako sa tanong ko Ken. Ano pa ang pwede kong mabago? I want to impress them. First time ko silang makikita at gusto kong isipin nila na mas magaling ako sa panget mong ex."

Sumandal ako sa pintuan ng kotse ko. I'm tired of listening to her rants. Seryoso, bakit ang tagal namin dito sa garahe? Kanina ko pang gustong pumasok sa loob dahil alas onse na ng gabi at gusto ko ng matulog. Maaga pa ako papasok bukas para may panahon pa akong libutin ang bagong building ng bago kong kursong kinuha. Hindi niya ba alam 'yun??

At bakit niya pa inaabala na mag-alala sa kung anong sasabihin ng mga kapatid ko? Hindi ba't isa lang naman itong kontrata sa pagitan namin?

"Belle," aniya ko at tinanggal ang kamay sa mga bulsa. Napabuntong hininga ako na lamang ako, habang pinapanuod ko siya sa gilid na inaayos ang damit niya.

Why do girls want to look perfect when they are already one?

"What?"

Kinuha niya yung lip gloss (o lipstick ata?) niya sa bag at humarap sa kanyang cell phone para magsalamin. Sino ang pinapagandahan ng baliw na'to? Wala naman pakielam ang mga kapatid ko kung ano pang itsura niya, at baka nga matuwa ang mga iyon pag nakita nila si Belle, siguro hindi si Shaira kasi may pagkasuplado 'yun, pero panigurado sila Kat-Kat at Em-Em ay tiyak na matutuwa dahil bukod kay Jesse, si Belle lang ang nag-iisang babaeng ipinakilala at inuwi ko dito sa bahay. At isa pa, lagpas alas-onse na, baka tulog na din 'yung mga kapatid ko.

"Listen to me," aniya ko. Nang hindi niya ako pinansin ay kinuha ko ang lipstick sa kanyang mga kamay pati 'yung takip nito at ibinalik sa kanyang bag. Ngumuso siya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay pero nagkibit balikat lamang ako. "Wag mong baguhin ang sarili mo para lang ma impress ang iba. Just be yourself. At isa pa imposibleng hindi ka din magustuhan ng mga kapatid ko. Kaya tara na sa loob dahil naantok na talaga ako at maaga pa tayo bukas."

Mabilis akong tumalikod at maglakad na sana papunta sa aming bahay pero hindi ko ito itinuloy. Gusto ko kasing marinig kung may isasagot siya sa sinabi ko. Na sa totoo lang ay kahit ako ay hindi alam kung saan nanggaling iyon. Ni hindi nga ako sigurado kung bakit ang lakas ng loob kong sabihin 'yun, pero may pakiramadam kasi ako na matutuwa siya kapag sinabi ko ito sa kanya.

Hindi ko din alam ang nangyari sa akin at kung paano, pero pagkatapos ng mga nangyari sa kotse at sa Quantum medyo hindi na nakakairita si Belle. Kaunti na lang siguro, lalo na kapag ayaw niyang tumahimik at kung ano-ano ang itinatanong sa akin.

Nang mainip ako sa paghihintay ng sagot niya ay agad kong kinuha ang isa niyang kamay, para dalhin na siya sa loob. Nahiya ako ng kaunti sa ginawa kong 'yun pero imbis na sa pagkahiya ko, ako nag pokus ay doon sa kakaibang naramdaman ko, pagkahawak ko ng kanyang kamay.

Pagka-dikit pa lang kasi ng mga kamay namin, ay may kakaiba na naman akong naramdaman. Sht. Bigla na lang lumakas and tibok ng puso ko, at kahit na wala naman akong naramdamang kahit anong kuryente o 'yung para daw na may dumadaloy na makakapagtindig ng balahibo mo na katulad ng mga sinasabi ng ilan ay nakaramdam naman ako ng matinding kaba.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon