Season 1 |7|>> HappyBirthdayKen!

129K 1.7K 132
                                    

Kendrick's POV

Starbucks, SM NORTH EDSA. 3 pm. Bring 100,000 cash for the payment, we'll discuss the contract later ;)

-B

Binasa ko ulit yung text sa akin. Pero kinailangan ko pang hanapin muna ang salamin ko bago ko maintindihan ang sinasabi doon. Grabe ang sakit ng ulo ko. Dagdag pa dito yung maliliit na sulat dun sa phone. Kailan ba ako masasanay sa hangover tuwing umaga?

Unknown number yung nakalagay pero parang kilala ko na kung sino. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at sinuot ko na yung sando ko, tapos dumiretso na ako dun sa table para kunin yung puting calling card na iniwan sa akin.

Kinumpara ko yung number na naka register sa phone at yung sa calling card, at tama nga ako, siya nga yung nag text.

Pero parang sobra naman ata ang 100,000 pesos, para sa bayad sa serbisyo nila.

Ano ba yun? Talo pa nila yung mga bayarang babae na laging dinadala ni dad dito sa bahay ah.

Kung huwag ko na lang kaya ituloy? Ano naman kasi magagawa nito kung ayaw talaga sa akin ni Jesse?


"Damn, Kendrick! Make up your mind!"

Sayang din ang pagkakataon pag pinalagpas ko pa to, wala naman mawawala bukod sa 100,000 ng dad ko di ba?

Tss...hindi naman lahat ito mangyayari pag hindi ako winalanghiya ng mga manlolokong na yun...

"Kuya Ken-ken! Kuya Ken-ken!"

Parang dumoble ang sakit ng ulo ko dahil sa sigawan sa labas. Kinalampag din nila ang pintuhan ko na parang wala ng bukas. Gusto ko sanang magalit dahil, ang sakit sakit na ng ulo ko at nakisabay pa sila pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat sila idinadamay sa mga problema ko sa buhay.

Itinago ko muna ang card sa may drawer bago inayos ang sarili sa may salamin. Hindi dapat nila mahalata na namomoblema ang kuya nila.

Nang makasigurado akong pwede na'tong makapasa sa mapanuring mata ng mga kapatid ko ay naglakad na ako papunta sa pinto.

Pag bukas ko, si Em-Em lang ang nandun. Siguro ay iniwan na siya ng mga ate niya nang napagod maghintay na pagbuksan ko sila ng pinto kanina.

Lima kaming magkakapatid. Panganay namin si kuya Kenneth, nasa abroad siya ngayon at nagtatrabaho bilang pharmacist sa isang sikat na hospital doon.

Matagal na siyang nandun kaya ako ang naiwan para maging kuya sa tatlo pang sumunod sa akin. Si Shaira yung sumunod sa akin, habang si Katherine ang pang-apat at ang bunso namin si Emmione.

Kami lang ni kuya ang magkapatid ng buo, sila Em-Em ay kapatid ko lang kay Dad.

Pagkatapos kasi kami iwanan ng mom ko, kung sino-sino na yung binuntis ni dad, kaya ayun united colors of beniton kami sa bahay. Hindi ko din siya masisi ng buo. Katulad ko, iniwanan at niloko lang din siya ng isang babae.

"Kuya, Ken-Ken!! Api Berdey!" sabi sa akin ni Em-Em tapos sabay abot sa akin ng isang papel na may nakadrawing na mga taong parang stick at may nakalagay na 'You are the best kuya in the world!"

Natawa naman ako agad sa sinabi ng kapatid ko, bulol pa kasi kaya berdey tuloy yung nasabi...ang gara kasi iba yung pagkakaintindi ko...Tss...Ano ba yan ang aga-aga ang lumot na ng utak ko!

Sa sobrang tuwa ko sa kanya ay binuhat ko siya at ipina-ikot ikot sa ere. Kahit paano naman napasaya niya ako sa regalo niya. Siguro tinulungan siya ng baby sitter niyang isulat yung message nya kasi yun lang yung hindi crayons ang ginamit.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon