Bad Girl For A Girlfriend [ Real Epilogue]

2.5K 66 65
                                    

PLEASE READ: First of all hi! And surprise!!! Ang mababasa niyo ngayon ay ang epilogue na tinanggal ko rito sa wattpad after maging book version itong story (still available po sa lazada page ng Summit hahaha). So yes, sa book niyo lang ito mababasa plus may dagdag pa 'tong konti.  Hehe. I posted this in celebration of my 9th Anniversary sa Wattpad. This chapter that you're about to read, is what really happened after Belle decided to jump. :) 

*this is unedited and uncut version pa so please be kind.

So ayun, let's hurt each other again, shall we? :) Enjoy loves! Comment down below after, namiss ko na kayo! Hehe.

-Chels

Music: Sa Susunod na Habang Buhay -Ben&Ben

***
Epilogue
Belle's POV

"BELLE! OH MY GOD!"

Nakaramdam ako ng paghatak sa buong katawan ko. Akala ko ay matutuloy na talaga ang pagtalon ko. I was crying so hard that I couldn't even breathe. I wanted to die...I wanted to be with my Kendrick! Bakit hindi ba nila 'yon maintindihan!?

"Let me die...Jade...L-let me be with him please..." I didn't know if my words penetrate through her but I kept on whispering it to her...pleading her to let me jump off the cliff and end this.

Wala ng say-say pa mabuhay kung ang rason naman kung bakit ka nagpapatuloy ay nawala na. I will just be living my life in misery, why don't I end it right there?

"Hindi ito ang gusto ni Kendrick, Belle! Ano ba?!"

Ang dami ng tao ang pumaligid sa amin. I grew desperate and tried to peel myself off from my friend's grasp. Kaso sobrang dami ang humahadlang sa akin para makapunta ulit doon sa may pasamano. Damn it! Bakit hndi na lang nila ako hayaan?! Buo na ang loob ko! Gusto ko na manahimik kasama ni Kendrick!

"I want to die! Let me die! Please! Let me die! I want to be with him! Let me!"

"Stop it Belle! Stop it!"

I kicked, I thrashed and I cried non-stop. Halos magwala na ako sa pagkakahawak sa akin nila Jade at ni Justin. Through my blurry vision, I could see the doctors and the nurses panicked. Ang daming sabay-sabay na nagsasalita that eventually it became too much.

"Miss Silva, please calm down. We'll give you some medication to ease your panic attack okay?"

Hindi ko masyadong maproseso ang mga sinasabi ng bawat isang nakaputing lumalapit sa akin dahil masyado ng kalat ang utak ko. May isang malakas na taong humahatak sa aking para mapapirmi ako sa isang lugar habang may ilan naman na umaayos sa buhok kong napupunta palagi sa aking mukha.

God. Ano ang gagawin nila sa akin?

"Sorry, B-Belle..." hindi ko alam kung sino sa akin ang humingi ng tawad dahil nalunod na lahat ng mga salitang sinasabi nila sa mga sigaw ko bagong bigla ko na lang nakaramdam na lamang ako ng masakit na pagturok sa aking braso bago ako tulu'yang manghina at unti-unting namanhid.

Namanhid ako at nawalan ng malay.

Nang pagkagising ko noong mga susunod na araw ay hindi ko akalaing, sinimulan na pala nila ang paghahanda sa lamay ni Kendrick nang hindi man lamang ako sinasabihan. Gusto ko silang intindihin at baka kaya lang nila ito itinago sa akin ay para hindi ako magwala at magbalak na namang magpakamatay gaya ng ginawa ko noong isang araw pero nasaktan pa rin ako. Wala man lamang ako nagawa hanggang sa araw na mismo ng libing.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon