Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)

29.7K 426 136
                                    

Music: Stay With Me by Sam Smith (nakaka-lss din to :D Gagawa ako ng playlist sa 8tracks para sa BGFAG playlist <3 will post the link sa epilogue) 

~~

Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)

(cont..Glorie’s POV)

Rexallier Andrei  ang name ng baby boy.

 Nauna nang nakauwi ang mommy Hanna niya sa Pilipinas dala ang perang ibinayad ko sa kanya. We decided never to contact each other again… ever. Kahit na hindi iyon madali sa aming dalawa dahil since mga bata pa kami magkaibigan, we need to keep our secrets hidden kahit na umabot pa ito sa libingan.

Hindi pa din umuuwi si Belle galing sa bakasyon niya. Pero she tried to contact me naman about the baby nang nag send ako ng pictures sa kanya. I don’t know how our relationship works pero I am happy na hindi siya naghinala dun sa picture ni Rex na pinadala ko sa kanya.

I try to call Nico again, sa number na nakuha ko kay Jesse to ask him to come here to have Rex papers on the process. Nagulat ako nang nag umoo siya na pumunta dito sa Singapore.  Nag sorry din siya over the phone dahil hindi siya naging hands on sa pagiging daddy niya. Naging busy daw kasi siya sa college. I believe him of course.

Kaya ngayon nag-aabang ako sa airport to welcome his Daddy.

“Is this him?”

Sa apartment ko kami tumuloy. Nag-abala akong linisin ang apartment ko para sa pagdating niya. Nakangiti niyang kinuha sa akin si Rex. Hindi ko mapigilang mag blush at tindigan nang balahibo. He looks so good while he holds the baby. Our baby.

 “Yes.”

He looks at me still smiling. Kitang kita pa din ang dimples niya nanakapag palambot ng tuhod ko.

“What’s his name?”

“Rex. Rexallier Andrei Dela Torre.” I can’t help the idiotic smile on my face. Masyado akong natutuwa at nandito na si Nico sa harapan ko, hawak ang anak namin.

Lahat ng bitter memories nang miscarriage ko ay nabura nang ngumiti siya sa akin at halkan niya ako sa noo at yakapin ako, habang buhat pa din si Baby Rex. That moment I know the feeling of having a family. A complete family.

“I am really a dad, eh?”

Halos mapunit na ang bibig ko kakangiti. “Yes, you’re now officially a dad.”

Ayoko sana sirain ang happy bubble naming tatlo sa pagtatanong pero hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.

“Nico… what’s your plan? Will you marry me?”

Napatingin agad siya sa akin at kumunot ang noo niya na parang nagulat pa siya sa tanong ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon