Season 1 |14|>> #AngGwapongBabaero

134K 1.8K 290
  • Dedicated kay Wenna Pornillos
                                    




Oh Sehun as Justin Enrique

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Gem's POV

Alam niyo kung ano ang masakit?

Yung makita yung bestfriend mo umalis kasama ng lalaking nagugustuhan mo.

Life is so unfair! Bakit kasi parehong nakilala namin ni Belle si Kendrick at the same time? Pwede namang mauna ako 'di ba? Edi sana ako ngayon yung TG ni Kendrick at hindi si Belle.

Hay, ang lungkot ng buhay. Tapos ang malas malas ko pa, ibang klaseng lalaki ang nahandle ko ngayon! Lumalabas tuloy ang dark side ko sa kumag na 'to eh.

"Gem, baby. Ano na? Gusto mo na ba maligo na ako para gawin na natin yung ano?"

Omo! Eeeshhhh! Ano ba naman itong napunta sakin! Ang manyak! Hindi ba dapat ako ang magdedecide nun?Aish! Ang kapal!

"Yung ano, Justin? Tama nga maligo kana ang baho mo na kasi!"

Pagtataray ko, aba, sumosobra na siya ah, halos dalawang araw pa lang kami magkakilala tapos may gagawin na agad kami? Asa!

"Oi, Hindi ako mabaho 'no! Naliligo ako tatlong beses sa isang araw, tapos dove pa yung ginagamit kong sabon, mabango kaya yun!"

"Really? Justin the Great is using a soap for women!"

" May Dove for men kaya!" sabi niya sa akin tapos sabay dila.

Hala ano yun? Parang bata lang ah. Pero epic yun grabe ang dami kong tinawa dun ah. Meron palang Dove for men?

"Babes, behave ka na. Condo ko 'to, kaya ako masusunod dito, sige na, yayakapin mo lang naman ako eh,"

Nandito kasi kami sa condo niya, after nang meet up namin with Kendrick dumeretso agad ako dito para mag start ng first lesson ni Justin, a.k.a Mister Chansing!

Katulad na lang kahapon, kakakilala pa lang namin, umakbay kagad! Feeling close lang kumag!At kala niya ba hindi ko alam? Lagi niya kayang tinitignan ang aking behind sa tuwing tatalikod ako. Hay nako ang bastos talaga!

Justin Enrique full name niya, same school pinag-aaralan namin kaso Bachelor of Music ang tinake niya sa Brent.Yun nga lang siguro ang similarities namin, pareho kaming marunong mag play ng violin. Pagkatapos nun, wala na. Lahat sa kanya nakakahighblood

Bwisit.

Ewan ko nga bakit hindi ko siya nakikita dun sa building ng BM eh sa tuwing hindi ko kasama sila B at Jade dun ako nakatambay para mag practice. Sa lakas pa naman ng hangin ng tao na ito, imposbleng hindi mo siya makilala at mapansin.

One word to describe Justin: MAYABANG

"Grabe ka naman, babe! Ang bango bango ko kaya! Bilis! yakapin mo na ako para makalanghap ka ng sariwang hangin!"

See what I'm talking about? What a jerk!

Wag niyo ako tanungin, hindi ko din alam kung bakit niya kinakailangan pa ng lessons ng BadGirls Co. para naman kasi sa asta at itsura niya, halatang babaero siya eh.

Gwapo naman ang kumag. Maputi siya, tapos matangkad din. Hindi siya gaanong payatot katulad ni Ken, medyo may muscles din pero kaunti lang, hindi ko nga alam baka baby fats langyan sa braso.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon