Season 2 |Z |>>#Always&Forever| BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG

40.8K 598 180
                                    

Season 2 |Z |>>#Always&Forever| FOR HIRE: BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG

“Loving you is like breathing…I can never stop. And I will never stop.”

 

 

Kendrick Juliart Adriano’s POV

“Belle,”

 

“Hmm?”

 

“I love you,”

 

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. And d-amn, kung eto lang naman ang makikita ko sa tuwing gigising ako sa umaga ay paniguradong masaya ang buong buhay ko.

 

She’s the most beautiful woman I’ve ever seen.  Hindi ko alam kung nakakita na ba ako sa tanang buhay ko nang babaeng makakapantay pa sa ganda niya.

 

Her face is so innocent and pure. Yung tangos nang ilong niya walang kapantay. Yung haba nang mga pilik mata niya walang katulad. Yung labi niyang mapupula…pinaglalaruan ang katinuan ko.

 

“Belle…”

 

Pinagmasdan ko ang napaka perpekto niyang mukha at walang magawa ang puso ko na kumalabog at magwala. Ni isang bahid nang kasamaan wala akong nakita sa mga mata niya. Napaka inosente itong nakatingin sa akin pabalik. Huminga siya nang marahan at halos matunaw na ako doon sa tabi niya.

 

She’s the woman that I’m dreaming of having. She’s the woman that I want.  She’s the woman that I need.

 

She’s the One.

 

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Hindi ko yata makakaya kung sakaling mawala siya sa akin. Kahit na nakahiga na kami sa kama niya ay ayokong umalis siya sa tabi ko. Ayoko siyang mawala sa paningin ko kahit isang segundo lang.  At lalong lalo na, ayokong hindi maramdaman ang paghinga niya malapit sa akin.

 

Oo, nakakatakot na ang pagkabaliw ko sa kanya. Oo, siguro nga nahihibang na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Oo, wala na akong pagmamahal na itinira sa sarili ko.

 

Pero  wala akong paki doon.

 

 Siya lang ang nag-iisa para sa akin. Wala na akong kailangan pa sa buhay ko, kung hindi siya lang. Mawawala ako sa katinuuan kung sakaling mawala siya sa akin.

 

I never loved a girl this intense in my entire life.

 

“Mahal din kita Kendrick,”

 

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon