Season 1 |16|>> #Papabebe

153K 1.7K 108
                                    

AUTHOR'S NOTE (please read it's important :D)

Naka private ang Chapter 15 because it's not suitable for children so, you if you're 17+ you can read it if naka-follow na po kayo sa akin :) If you're a new follower at hindi niyo pa din mabasa, try ninyong i-erase muna ito sa library then refresh then add it again. Kung may questions pa, please don't hesitate to message me. Thank you!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Kendrick's POV

"Oi! Papabebe ko! Sandali lang!"


"Tss! Ang bagal!"

Kabanas! Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall na'to pero hanggang ngayon puro tingin lang ang ginagawa namin. Tapos badtrip din yung tawag niya sa akin! Ang baduy! Para akong ginawang bakla ng palayaw na yan.


Sa totoo lang hindi ko naman siya kailangan, para magbago ako ng itsura. Sus, kaya ko namang bumili ng mga bagong damit ko ng mag-isa! Ano ang tingin nya sa akin? Baldado na hindi kayang pumunta sa mall?

Bakit pa kasi kasama pa siya?

Tapos ang bagal pa mag lakad, nakakainis parang pagong! Sino naman kasi ang nagsabi na pag mag-mamall kailangan naka heels? Buti hindi pa siya nalulumpo sa suot niya. Tch! Mga babae talaga ang aarte!

"Papabebe, wait nga eh!"

Medyo hinihingal pa siya ng maabutan niya ako. Pero naglakad ulit ako bago pa kami magkasabay sa paglalakad. Aba, baka ano ang isipin ng ibang tao pag naglakad kami ng sabay. Baka isipin nilang driver lang ako ng maarteng babae na'to.


Matagal tagal din kami nagpalakad lakad pero nang pumasok siya sa isang salon ay sinundan ko siya.


Akala ko ba ako ang babaguhin at aayusan niya? Bakit salon 'tong pinasukan namin at hindi barber shop? I don't get her. Pagkapasok ko pa nga ay nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang bakla. What is it now?


At paano ko nasabing bading ang kausap niya? Simple lang naman.

Sino ba kasing matino at totoong lalaki na may sobrang haba, kulot at blonde na buhok (wig ata yun para kasing pansit canton) ? At yung labi niya, ampula! Parang lumaklak ng ketchup!

"Bitch!" Sigaw nung bakla kay Belle.


"Baby Gabby! Hey! I thought you're with Jade?" sigaw din ni Belle.


Loko 'tong babae na'to ah. Wagas maka sigaw. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga babaeng nagpapaayos dun.


Pagkalapit ko kay Belle, tiningnan agad ako nung baklang may pangalan na Gabby 'daw', mula ulo hanggang paa. Para akong na chansingan nun ng walang kalaban laban dun ni Goldilocks ah.

"No, honey. Sabi ni Jade bibisita daw siya sa mom niya, tapos ako naman dumaan muna dito sa salon ko."

"I'm so glad na naabutan kita. Pero what's with that hair? It's like noodles you know!"

May itsura sana yung 'Gabby' tapos medyo malaki din yung katawan niya kaso nga lang tagilid.

"Anyway, you can help me with my new project," sabi ni Belle sa kanya, tapos sabay tingin sa akin.

"Oh, I see. Sino 'tong new project mo? Driver mo?"

D-mn. Loko tong bakla na'to ah! Sino siya para pagkamalan akong driver? Bwisit! Masyado bang masakit sa mata ang itsura ko?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon