Season 2 | G | >> #MakasalanangMgaLabi

88.7K 979 154
                                    

 |Season 2| G | >> #MakasalanangMgaLabi

Jade's POV

3 AM

3 FCKING AM...And still I am fcking awake!

Hindi ako makatulog! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Restless, agitated, at lahat lahat na! Ano ba!

Reason? Isa lang naman ang rason ko kung bakit ako hagas na hagas. Isang tao lang naman. Isang pangalan lang naman.

Justin Enrique.

That hot sexy d-amn pervert!

Tama. 'Yang babaero na yan ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Ni hindi ko nga maipikit ang mga mata ko. At kung bakit sobrang iritado ng pakiramdam ko. Paano ba naman kasi at limang oras na lang at 'date' na namin.

Ano susuotin ko? Saan kami pupunta? Tama ba 'tong gagawin ko? Papaasahin ko ba siya?

Grr! Bakit ba kasi ako pumayag sa kanya?

Maybe it's out of pity, but come on! Alam ko namang babaero at hindi seryoso ang tao, bakit pa ako pumayag?!

Bumaliktad na naman ako sa kama at ngayon naka planking position ako. Mas lalo ko pang binaon ang mukha ko sa unan at doon nag susumigaw. Ewan naiinis ako na excited. Gusto kong mag tago na gusto kong pumunta. Gusto kong bigyan siya ng chance kaso gusto ko rin siyang i-basted.

Ewan! Nalilito na naman ako! May sira na yata talaga ako sa ulo.

Actually, kahapon pa 'to e. Simula ng oras- oras niya akong pinadalhan ng red roses at kung ano ano pang mga pakulo niya. Umabot pa nga sa puntong pumasok siya sa room namin habang may long test kami sa Theo at tumugtog siya ng 'I'll be' gamit ang violin niya.

Syempre lahat ng blockmates ko ayun nagsitilian. At 'yung mga lalaki naman nangantiyaw pa. Pati nga 'yung prof ko kilig na kilig. Kasi sabi nila si Mr. Babaero na daw ng Brent ang sumusuyo sa akin, bakit hindi ko pa daw sagutin?

Duh! Are they insane? Babaero na nga 'yung tao, sasagutin ko pa? E kung lokohin lang ako niyan? At Bakit ko sasagutin yang baliw na yan kung 'yung mahal ko nandoon sa kabilang room? Si Gab lang naman talaga e.

Kaso nung tinanong ko si Gabriel kung anong masasabi niya kay Justin, humalakhak lang siya at nangisay sa kilig. Ang swerte swerte ko daw dahil isang 'papable' 'yung may gusto sa akin.

As if naman gusto ko 'yun no! Bakit kasi ang tanga tanga at manhid niya? Ang tagal ko nang may gusto sa kanya hindi pa ba halata 'yun? Pag bading ba nagiging manhid na?

Umikot na naman ako sa kama. Wala na 'yung antok ko. Hindi man lang ako dinapuan ng antok kahit saglit lang. Hay! Hayaan na nga, bahala na maging mukhang haggard mamaya. Tutal isa lang naman ang goal ko e. Ang ma turn off siya sa akin.

Kinuha ko 'yung phone ko sa may bedside table, at nag-isip kung bubuksan ko ba o hindi. Paano ba naman kasi, tinadtad niya ako ng mag cheesy banat niya. Hindi ko nga alam kung kikiligin ba ako o itatapon ko ang phone ko sa sobrang kakornihan niya. At isa pa hindi ko alam saang lupalop niya nakuha ang number ko.

999+ messages from Unknown number

I mentally rolled my eyes. See? Pustahan puro banat yan. Hindi ko nga sinave ang number niya sa phone ko kasi wala naman akong balak replayan siya if ever.

Binitawan ko 'yung phone ko at gumulong na naman hanggang sa nakatitig lang ako sa kisame.

Ilang minuto lang akong ganun at blanko ang isip. Kabado pa din sa maaring mangyari mamaya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon