Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies

112K 1.3K 626
                                    


 

KENDRICK'S POV

 

 

 

Pag dating ko sa bahay,mga alas onse pa lang, kaya dumeretso muna ako sa kwarto ko para maligo.




Pagkabukas ko ng kwarto ko bumungad agad sa akin ang malaking picture ni Jesse na nakangiti sa dingding ko. Hindi lang yun nag-iisa dahil kahit saan ka tumingin sa kwarto ko, panigurado may larawan niya. Madami akong ganito dahil siya pa lagi ang subject ko sa mga projects.




Tinatamad pa akong tanggalin ang mga yan, sa susunod na lang siguro kung may oras, at isa pa pagkatapos ng sem na ito mag shi-shift na din naman ako ng course.



Kasi hobby ko lang talaga ang photography at hindi ko siya gusto bilang isang trabaho sa hinaharap. At tsaka dahil pharmacy na ang kinuha ni Kuya Kenneth walang maghahandle ng businesses namin, kaya next sem mag Bu-business Management na lang ako.

 

 

 

Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang pintuan papuntang balcony.  Bibisitahin ko lang ang mga ibon ko at baka namatay na sa gutom.



 Tss... hindi naman kasi inaalagaan nila Shaira itong mga ibon ko.




 Tatlo ang alaga ko. Isang pair ng lovebirds na ang pangalan ay Ariesa at Ian at yung isa naman babaeng African gray parrot  na nagngangalang Angel, sila Kat-kat ang nagpangalan sa kanila.




 Yung dalawang lovebirds,  ayun nagtutukaan at may ginagawang kababalaghan. Ang weird tingnan, pero okay na yan para dumami naman ang lahi.




 Naaawa ako dun sa isa kong alagang parrot , hindi pa kasi ako nakakabili ng kapareho niya kaya ayun inggit na inggit dun sa dalawang nagtutukaan. Kaya naman nilabas ko siya sa hawla niya at hinimas ko ng hinimas, para naman matuwa. Mukha naman nagugustuhan kasi kung ano-anong tunog yung ginagawa niya, hay nako, buti na lang hindi ko pa natuturuang mag salita baka kung ano-ano pa ang masabi nito.





Pinalitan ko na yung mga tubig nila at nilagyan din ng mga bird seeds. Napagod ata sila Ariesa at Ian sa kung ano man ang ginagawa nila sa sulok kaya nagsikain din. Siguro sa susunod ko na lang tuturuan magsalita si Angel.





Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon