Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)

51.1K 709 255
                                    

(Naka- PRIVATE ang dalawa -The Last Chapter at Epilogue :) and please do tweet your reactions with a hashtag #BGFAGfinale and/or #BGFAG #FHBGFAG.

Present time na ang next after this update. :)

~~

Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)

Kendrick’ s POV

Matapos ang pag-uusap namin ni Gem ay natagalan pa bago ko siya dalawin muli.

Inisa-ayos ko kasi muli ang buhay ko. Bumili ako ng condo sa may Laguna at doon muna tumira. Wala sa aking nakakakilala doon kaya mas tumahimik ang buhay ko. Itinigil ko na din ang pagpunta sa bahay nila Belle dahil nagbanta na ang dad niya na sasampahan ako ng TRO sa korte pag hindi pa ako tumigil.

Kahit na mabigat sa loob ko, lalayo muna ako. Kaysa naman tuluyang hindi ko na siya malapitan pag itinuloy ng dad niya ang banta nito. 

At higit sa lahat nagpasya na din muna akong huminto sa pag-aaral at i-enroll ang sarili ko sa rehab.

 I need to get my life back. Not for me, but for Belle. Kailangang umayos ang buhay ko kung gusto ko siya bigyan ng magandang hinaharap.

Isang linggo bago ako makapasok sa rehab ay tumawag sa akin si Leo para makipag-kita. Hindi ko alam kung sino yung babaeng kilala daw niya na gusto ako maka-usap. Ang nasabi niya lang ay balik-bayan daw ito at gusto akong kamustahin at ang pamilya ko. Nang itanong ko kung sino ay wala naman itong maisagot.

 Pero tutal naman at napatawad ko na siya ay ako mismo ang pumunta sa bahay nila.

Ang tagal ko ng hindi nakakapunta sa bahay nila kaya nanibago ako ng makarating dun.  Wala naman pinagbago sa itusra ng bahay pero parang mas dumami ang nakatira dito.  May party ata.

 “Kendrick?”

Pagkapasok ko agad ng gate nila, si Jesse ka agad ang nakita ko.

“O, nandito ka din pala,” Humalakhak siya at pa-ika ikang lumapit sa akin.

Parang kelan lang at nagustuhan ko ang babaeng ‘to. Buong akala ko siya na talaga. Buti na lang bago pa talaga ako tuluyang malunod sa kanya ay pinigil niya na ‘to. Kahit pa niloko niya ako, ngayon pinasasalamatan ko siya sa ginawa niyang yun. Dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Belle. Hindi ko malalaman ang tunay na depinisyong ng buhay.

“Sino hanap mo? Si Leo?”

Tumango ako sa kanya. Halos lahat dito katulad niya na ka pormal na damit habang ako simpleng puting t-shirt lang at lumang pants. Pinagtitinginan na nga ako ng mga iilang tao nandun. Sht! Nakakailang!

“Nasa back garden siya, puntahan mo na lang.”

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon