Season 2 | F |>>#MgaNgiti

73.2K 858 331
                                    

Season 2 | F |>> #MgaNgiti

Gem's POV

Isang bagay siguro na gusto kong gawin sa mga libre kong oras bukod sa pagtugtog ng violin? Ang pagobserba ng mga tao.

I know medyo creepy siya kaso wala e, natutuwa ako mag obserba ng mga galaw at ugali nila.

Katulad na lang ngayon, dahil nag-iisa lang ako dito sa may gilid at nagpipintura ng props para sa gaganaping Winter Festival Play this coming week, ay tahimik kong pinagmasdan sila Kendrick at Belle sa may sideline. Nagkakatuwaan sila habang pinipinturahan ni Belle si Kendrick sa mukha.

"Papabebe, smile na! Sige ka pipinturahan ulit kita!" Rinig na rinig ko ang tili ni Belle kahit na sa malayo.

Napilit niya kasi si Kendrick na tumulong sa committee imbis na mag-isa na naman sa may library. Dagdag points daw 'yun sa Central Student Council namin. Ewan may balak atang ikandidato ni Belle si Kendrick next year para sa student council elections.

I don't know much about the details pero alam ko kasama 'yun sa kontrata nila or whatever. Ma-lalate ata sa ami ng graduate si Kendrick dahil sa pag shift niya ng course sa alanganing panahon kaya posible pa siyang tumakbo para sa susunod na school year.

Naalala ko pa 'yung itsura ni Belle habang kinakausap niya ako about kay Kendrick. She looks so determined. Selos na selos ang itsura niya habang kinakausap ako. She even reached the point where in she threatened me.

Noong mga panahon na 'yun, kinakabahan ako sa kaya niyang gawin . Alam ko kahit na hindi niya aminin sa akin o kaya sa sarili niya, unti-unti niya na din nagugustuhan si Ken.

What's not to like about Kendrick kasi? Gwapo na siya, may korte ang katawan, sobrang talino, mabait, may pagka-masungit kung minsan pero kapag nakilala mo naman na ay gagaan ka agad ang loob mo sa kanya. Perfect guy, kung tutuusin. No wonder kung bakit kaming dalawa ng kaibigan ko ay nagustuhan siya.

He even showed genuine concern about my health ng nalaman niyang may Pseudotumor Cerebri ako. 'Yun ang dahilan kung bakit laging sumasakit ang ulo ko na parang binibiyak.

My former doctor even said na may taning na ako 'di ba? Kaya nga ang laking pasalamat ko kay Kendrick na siya ang kasama ko noong kumain kami sa labas at inatake ako ng sakit sa ulo.

Sinilip ko ulit siya at nagulat ako na nakatingin siya sa akin. Naka ngiti siya kaya hindi ko din maiwasan na hindi ngumiti sa kanya.

Siguro magtatagal kami na nagngingitian lang dahil napansin ito ni Belle kaya siya biglang lumingon at tiningnan ako ng masama. Oo nga pala may kasunduan kami.

"Ms. Park, pwede ko na po bang makuha 'yung natapos niyo nang pinturahan?" Tiningnan ko ang nagsalita, hindi ko siya kilala pero member siguro ng beautification committee kaya nandito. Halatang natatakot siya sa akin. Nanginginig ang kamay niya tapos hindi pa siya makatingin sa akin ng maayos. Ganun ba talaga ang pagkakakilala ng buong Brent sa amin? B-itches?

"Tell me...Are you afraid of me?"

Nagulat siya sa tanong ko, "Hi-hindi naman po. Si-sige po una na ako,"

Napabuntong hininga ako. Yeah right, they are totally scared of us. Masyado na atang na established 'yung title namin sa school.

All those times that we acted like b-itches in front of them backfires at us now. Wala na sa aming gustong makipag kaibigan at lahat na takot sa amin. Even the professors. Isang salita lang ni Belle lahat sila tumitiklop. Ako nga na hindi nagsasalita at walang imik, kinakabahan na ang mga tao, paano pa kaya kung 'yung dalawa na?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon