Season 1 |40|>>#GoodnightKiss (Part Two)

87.2K 1K 146
                                    

Music: Parachute- Kiss me slowly

Picture: #BELDRICK :)

*******

Belle's POV

Seven pm na pero hanggang ngayon nakatulala pa din ako sa ceiling ng condo ko. Halos mag iisang oras na ako ganito pagkatapos naming maghiwalay ni Ae sa Brent.

Isang oras na pagkatapos akong kausapin ni Warren.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at isipin. Gulong gulo ako.

Tiningnan ko ang phone ko sa may bedside table ko para i-check kung nagtext na si Kendrick. Sinubukan ko siyang tawagan at puntahan sa building niya dahil, una nag-aalala na ako at isang araw na akong walang balita sa kanya at pangalawa gusto ko din malimutan panandali ang mga sinabi sa akin ni Warren.

Pero ni isang reply mapa text man o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Mga texts lang ni Jade na nagyaya mag bar hopping at 'yung kay Gem na nag tatanong kung gusto ko daw ba mag sleep over sa condo niya ang mga natanggap ko. Pero ni isa ay wala man lang galing kay Kendrick.

"I need to see him."

Naka-ilang pangungulit din ako sa aking sarili bago ko nagawang tumayo sa pagkakahiga at magpalit na ng damit. Ngayong gabi, nagsuot lang ako ng maong shorts at loose shirt. Simpleng pulbos lang at lipgloss ang inapply ko sa mukha ko tutal gabi naman at wala na siguro sa aking makakakita sa labas.

Nag ponytail na lang din ako dahil tinatamad na akong mag plantsa pa ng buhok.

Wala talaga akong gana ngayon mag ayos. Wala na akong paki-alam kung anong masabi niya sa ayos ko ngayon. Tch. Nakita niya naman akong walang damit eh, wag na siyang mag inarte kung ganito ang ayos ko.

"Bahala na nga," bulong ko sa aking sarili matapos kong tingnan ang napaka-simple kong itsura sa salamin. Kinuha ko ang wallet at phone ko bago ako umalis sa condo. Nag taxi na lang ako papunta sa destinasyon ko dahil tatagal lang ako pag tatawagan ko pa ang driver ko.

Nang makarating na ako sa bahay niya ay dumiretso na ako sa malaking gate at pinindot ang intercom. May isang malalim na boses ang sumagot sa akin.

"Sino 'to?" Sabi ng boses sa may intercom.

"Belle Silva, Kendrick's girlfriend,"

"Sandali lang,"

Ilang minuto akong naghintay sa labas. God! Hindi ako sanay na pinaghihintay ako! Lagot sa akin si papabebe pag ako nakapasok sa bahay niya! Hindi niya ba kilala kung sino ang pinaghihitay niya sa labas? Tumingin ako sa paligid ko at pinagmasdan ang subdivision nila Ken. Okay, tahimik naman at mukha namang lahat dito may kaya pero aba malay ko ba kung may squatter na magnanakaw na mapadpad dito.

"Sorry miss, ayaw pong magpakausap ni sir Kendrick, bukas na lang daw po,"

"Ha? Excuse me ha, sayang naman ang effort ko pumunta dito. Sige na manong ako na bahala kay Ken,"

"Pero miss... kami po ang mapapagalitan. Mukhang mainit ang ulo ni sir kanina pagkauwi niya, mahirap na po,"

Mainit ang ulo? Bakit kaya? Psh! Kung sinasagot niya lang kasi ang mga tawagg ko 'di ba? Edi sana hindi ako mangungulit dito.

"Trust me manong, ako na po ang bahala,"

Medyo alangang pinagbuksan ako ni manong ng gate. Hindi ko din naman siya masisi, baka talagang nakakatakot si papabebe pag nagalit.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon