Season 1 |4| >>#TheUnHolyTrinity

158K 2.4K 93
                                    




Belle's POV

" B! OMG! You're super late!"

Hay, grabe naman makatili 'tong si Jade parang hindi kami nagkita ng isang buong taon.

Hindi ko naman kasalanan 'no, kung natraffic ako at saka mabagal kaya magdrive yung driver ko, duh! Kala mo naman e importanteng importante yung business namin ngayon.

"I'm sorry. Na traffic lang ako, at alam mo naman diba kung paano mag drive yung driver ko?"

"Eh kasi naman bakit hindi ka pa dyan nag- aaral magdrive, may pera ka naman para mag enroll sa driving school."

"Duh! Para naming hindi mo alam yung dahilan!" sigaw ko kanya. Pero syempre mahina lang kasi baka magambala naming yung mga tao ng Starbucks.

" Come on, B. Four years na yung nakalipas, hindi ka pa din makaget over sa phobia mo?"

" Shut up, bitch. Kung ikaw kaya maaksidente kasama yung walanghiya mong boyfriend na iniwan ka lang sa ere, sa tingin mo makakaget over ka sa phobia na katulad nito?"

"Oh, so it's not about your fear to drive...it's about Nico isn't it?"

Bigla na lang kumulo yung dugo ko na parang ewan. Sa tuwing mababanggit yung pangalan niya, parang bigla na lang gusto kong manira ng gamit at pumatay ng tao.

Grabe kasi ang ginawa ng hayup na yun sa akin eh. Isa lang sa madami niyang atraso ang pag iwan sa akin. Pero...ewan ko ba...hay...ayoko nang isipin yung demonyo na yun at nasisira lang ang araw ko at tsaka masyadong maganda yung nangyari sa akin kagabi para masira lang ng isang taong walang kwenta yung buong araw ko.

"Please Jade, don't ever mention his...I mean the demon's name again. I don't want to talk about him anymore, and besides I found a new toy last night and ayaw kong masira yung good mood ko dahil sa kanya."sabi ko.

"Okay, chill! Jeez, bitch ang high blood ah. Pero teka, sino na naman yang new toy na yan? Client mo?" tanong ni Jade.

"Hindi pa pero baka bukas, oo na ang sagot ko sa iyo."

"Oh my effin gosh! Don't tell me one night stand yung nangyari sa inyo?"

Ngumiti lang ako. Nako Jade kung alam mo lang...

"Let's just say I left some ample amount of condoms to freak the hell outta him."

"Grabe B! You are a very bad girl!"

Tapos tumawa kami. Para nga kaming sira na tawa lang tawa. Nagsimula nang tumingin sa amin ang mga tao sa Starbucks, pero care ko ba? Si Jade nga nag middle finger pa dun sa lalaking mukhang rapist na sumotsot sa amin eh. Grabe loka-loka talaga tong kaibigan ko.

Nang medyo nag subside na yung tawa namin, kinausap ko ulit si Jade. Napansin ko kasi na wala pa si Gem, pati na yung client namin.

"Jade, bakit wala pa si Gem? Kayo tong dalawa sa akin na nagtetext na

agahan ko ang pag punta kasi 2 pm yung time diba? Pati yung client natin wala pa."

Tinawanan lang ako ni Jade tapos nag salita na.

"OMG, B. Naloko ka talaga naming no? 3 pa yung usapan pero sinabi naming na 2 para mag madali ka. Alam kasi namin ni Gem na hangover ka nanaman kaya ayun sinabihan ka naming na pumunta ng maaga."

Grabe, mga kaibigan ko ba talaga sila?

Nga pala hindi ko pa napapakilala si Jade. Buong pangalan niya ay Jade Anne Montero, alam ko pinagpala siya ng medyo maayos na pangalan, kaya nga inggit ako sa kanya eh.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon