Season 1 |8|>> #Pagsisimula

118K 1.7K 94
                                    

Kendrick's POV

 



"Miss, one Creme Brulee Frappuccino please,"


"Name?"


"Kendrick,"


"Ok, sir Kendrick can you wait for your Creme Brulee Frappuccino at the side?"


"Sure,"


Tss...kaya ayoko dito sa Starbucks e, ambagal ng service hindi na lang ibigay ang order kailangan pa talagang maghintay sa tabi.


 "Sir, here's your Creme Brulee Frappuccino. Thanks and come back again!" sabi sa akin nung babae, na parang diring diring tumingin sa akin.



Ano bang problema nya? Para naman akong mukhang abnormal kung makatingin sya.


Mga babae nga naman...pare-pareho lang...



Tiningnan ko yung relos ko, mga 2:30 na pala.  Dalawang oras na din pala ako nakatambay dito sa mall paikot-ikot.



Hay, kung wala lang talaga akong nakita kanina, nakakain sana ako ng lunch ko ng maayos.  Pero wala e...mga panira talaga ng buhay yung dalawang yun 



Umupo ako dun sa pinaka dulo ng starbucks, kasi dun lang yung tanging walang nakaupong magkaibigang maiingay na akala mo ilang taon nang hindi nagkikita.



Siguro naman magtetext sa akin yung 'B' na yun pag dumating na siya.



Kinuha ko yung ipod ko tapos pinlug ko na sa tenga ko yung headphones, masyado na kasi talagang maingay yung mga babaeng nagkwenkwentuhan malapit sa akin. Ewan ko kung anong pinagtatawanan nila, para na nga silang sira kakatawa.



Tss...ang ingay, nakakabanas na.



Pinikit ko na lang ang mga mata ko, para makaiglip ng sandali, siguro naman hindi naman agad-agad dadating yung B nayun.



Malamang malalate yun, babae kasi marami pang arte sa katawan.



Hindi ko alam kung ilang minuto yung nakalipas pero hindi ko pa din magawang makatulog , kaya nakinig na lang ako ng nakinig sa mga kanta sa ipod ko.

 


I still remember the look on your face

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon