Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla (PART TWO)

104K 1.4K 131
                                    




Kendrick's POV


 

BAKIT WALA AKONG MAALALA?




Kung hindi lang talaga ako marunong magtimpi baka tototohanin ko nang gawin lahat sa Gabriel na yun ang lahat ng binabanta sa kanya ni Justin.  Lang hiya! Hindi ako nag dodroga tapos yun pa yung pinatake sa akin kagabi? Bwiset lang




Nabasa ko talaga yung tungkol sa roofies na yun kaya alam ko ang epekto nun. Pharmacy kasi ang tinatake na course ng kuya ko kaya nakakabasa ako ng mga libro niya.




Yun yung panget pag nagtake ka ng ganung drugs makakalimutan mo ang lahat ng nangyari sa iyo simula ng tinake mo yung drugs na yun.





Paano na lang kung may ginawa akong nakakahiya? Paano na lang pag may nakaaway akong sanggano na hindi ko alam? Paano na lang kung...kung naghubad ako sa madaming tao?! Pakshet! Nakakahiya!





 Matawagan ko nga si Belle, baka alam niya yung pinagagawa ko kagabi.






Pero...ano kasi...maganda na kasi yung regalo niya sa akin kagabi...Masaya na nga sana dahil ginuest pa nya yung paborito kong banda, tapos paborito ko pang kanta yung kinanta niya...pero kasi...





Lintik naman talaga! Hindi nga ako marunong humalik diba? Nagmukha tuloy akong tuod sa kanya kagabi, buti na nga lang hindi niya ako pinagtawanan pagkatapos nun.




Kaso parang tanga lang, tumigil na siya humalik sa akin kaso alam ninyo kung anong ginawa ko?




Hinalikan ko siya ulit.




Lakas ng loob? Dmn! Lakas topak siguro

 

 

 

 

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon