Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan

99.5K 1K 143
                                    

Jade's POV

"Gabby nasaan ka na ba?"

Sinigaw ko dun sa cell ko. Nakakainis naman kasi! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hanggang ngayon hindi niya pa din sinasagot ang mga tawag ko!

Kakatapos lang kasi ng last subject ko at may plano sana akong yayain ang labs ko at magpasama mag mall pero d-amn! No show pa din sa akin ang bakla.

Pati si Belle kahit na nag ditch din ng buong class niya ay hindi din sa akin makasama since may "emergency" daw siyang aasikasuhin. Gosh. As if naman na maniniwala ako dun. If I know, kasama at kinukulit lang nun si Kendrick. Si Gem din na isa ko pang pwedeng asahan para iligtas ako sa boredom ko ay MIA din. Baka nag vi-violin na naman 'yun sa sa rooftop.

Hay. Forever alone talaga ako.

To waste my time ay napagpasyahan kong magpalakad lakad muna sa campus at baka sakaling makita ko si Gabby my labs ko. Pero nalibot ko na lahat-lahat ang Brent University ay wala pa din akong makita, miski anino niya. Miski na doon sa palagi niyang tinatambayan na indoor fitness gym na puno ng mga maskuladong mga lalaki ay wala pa din siya doon.

Nang makarating ako sa may Quadripark ay naupo na lang ako sa isa sa mga benches doon na katapat ng fountain. Napagod na kasi ako sa kakahanap sa isang taong ayaw naman magpakita.

"Where are you labs?"

Ipinikit ko ang mga mata ko sandali para ipahinga din ito. Pero s-hit lang. Ang aming maiingay na tao sa paligid. Hindi tuloy ako maka relax dito.

Nakakainis! Okay lang sana 'yung ingay ng mga dumadaang mga estudyante kasi understandable naman 'yun pero ang nakaka-init lang sa ulo ay yung mga maiingay na babae at 'yung kalandian nilang isang lalaki sa may bench na nasa likod ko.

"Baby, baka madami kang nilalandi bukod sa amin ah," sabi ng anak ni Shomba #1

"Medyo babe, pero don't worry ikaw ang isa..este kayo pala ang pinaka imortanteng babae sa buhay ko," sagod naman nung lalaking pinangalan kong Malanding Uod. Kadiri siya, sabay-sabay niyang nilalandi 'yung mga babaeng naririnig ko ngayon.

"Oh my, baby ang sweet mo talaga! Baka mainlove ako sa iyo nyan ha." sigaw pa ng pangalawang maarteng babae. Ugh. ilan bang anak ni Shomba ang maririnig ko ngayong araw?

" Wag muna ngayon babe, dahil may habang buhay ako para gawin yun sa'yo," I sighed when the Malanding Uod answered her. Nice boy. Galawang breezy boy talaga.

Masusuka na ata ako sa kalandian ng lalaking malandi na ito at nung mga hampaslupang anak ni Shomba. Pero may pagkalahing chismosa talaga ako kaya naman nakinig pa din ako.

"Ehmergheeddd baby! You always made me smile. Kaya naman labs kita eh," ani ng Anak ni Shomba #3

"Love you more babe, at sisiguraduhin ko na kakayanin kong pangitiin ka pang habang buhay,"

"Buti na lang baby, nakausap ka namin. Kasi boses mo palang kumpleto na buhay ko,"

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon