Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #BGFAG (part two)

33.1K 546 121
                                    

Season 2 |Z |>>#Always&Forever|  BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG (PART TWO)

Gabi-gabi pumupunta ako sa bahay nila Belle o di kaya sa condo niya para lang magbantay sa labasan nila. Inaabangan ko kung lalabas siya. Inaabang ang bawat Segundo kung kailan ko ulit makikita ang mukha niya.

I stalked her like I am obsessed. Siguro nga obsess na ako. Wala nang alam ang isip ko kung hindi siya lang.

I loved her so d-amn much kaya kahit na sinaktan niya ako, hindi pa din napapagod ang puso ko na mahalin siya. Nagpapaka martir ako sa isang taong ipinagpalit ako.

Kung iisipin mo. Nagpapakamartir ako sa isang taong ayaw na sa akin.

Pumayag akong pumunta sa Maldives dahil alam kong nandoon din siya. I missed her so fcking much, that’s why I want to go. Kahit hanggang tingin na lang, titiisin ko. Makita ko lang ulit siya.

Nang gabing dumating na kami sa isla, nagtatawanan kaming bumaba sa yacht na inarkila namin, dahil sa pang-aasar na sinasabi ni Justin kay Gem.

 

“Anong sinabi mo Enrique? Kung ikaw kaya ang itapon ko diyan sa dagat para namang malinis yang masamang budhi mo!”

Mas lalong napalakas ang pagtawa namin nang nainis si Justin kay Gem at agawin nito ang mga maletang hawak ko at tangkain itong itapon sa dagat.

“Sht! Justin! Ibalik mo na yan! Akin yan!” Sigaw ni Gem. Tumingin siya sa akin, at nag paawang kunin ko sa kaibigan ko ang mga gamit niya.

“Justin, ibalik mo na yan kay Gem. Nandito na tayo,”

Sumimangot sa akin si Justin bago nito ibinigay kay Gem muli ang mga maleta niya. Umismid siya sa akin at tinapik ako sa braso. “Wala ka pre, under ka na agad hindi pa nga kayo kasal.”

Mas lalong bumingisngis ang tawanan namin sa mga sinabi niya. Hindi naman ako pikon at sumabay lang sa pagtawa.

Inalalayan ko si Gem pagbaba namin nang yacht. Si Justin at yung kapatid niya ang huling nakababa. Agad ko namang ipinulupot ang kamay ko sa bewang ni Gem at halikan ito nang mabilis sa labi nang mapansin kong nakatitig si Justin sa amin. Agad naman niyang iniiwas ang tingin niya at nagulat na lang ako nang bigla siyang kumaway sa may harapan namin.

Napansin din ito ni Gem at kitang kita ko ang pag laki nang mata niya at pag uwang nang labi niya nang sundan nito ng tingin ang direksyon kung saan kumakaway si Justin.

“Belle...”

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at kinabahan. Oo, alam kong nandito siya sa isla. Oo, alam kong ang motibo ko talaga ay sundan siya dito. Pero hindi ko inaasahan na pangalan pa lang niya ay halos masira na ang katinuuan ko.

Hindi ko malaman ang mararamdaman nang makita ko siyang buhat-buhat ni Reed. Parang alon ang selos na humapas sa akin. Alam kong ako mismo ang naki-usap kay Reed para gawin niya ito pero ang sama nang dating sa akin na hinahawakan at buhat buhat niya ang mahal ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon