Season 1 |3|>> #TheFirstCall

160K 2.8K 232
                                    




Kendrick's POV

Ang sakit ng ulo ko.

Sumasabay pa itong nakakabanas na alarm clock. Para tuloy na hinihiwa ng paulit-ulit at minamartilyo yung bungo ko. Pati ang katawan ko ang bigat. Napasobra ata ako sa pag-inom ko kagabi kaya ganito ang epekto.

Nang hindi tumigil yung alarm clock sa pag-iingay, hindi ko na napigilan ang sarili ko at ibinato ko na sa hindi malamang direksyon yung nakakainis na bagay na 'yon.

Gumulong ako sa kama tapos minulat ko yung mga mata ko. Agad na sumalubong sa akin yung matinding sikat ng araw galing sa nakabukas kong bintana. Fuck! Ano ba naman yan pati ba naman yung araw hindi nakikisama sa akin?

Kinuha ko ulit yung kumot at nagtalukbong. Parang ayaw ko atang pumasok sa university ngayon, nakakawalang gana lalo na pag wala ka naman nang rason para pumasok.

Nakakagagong buhay 'to. Naalala ko na naman ang lahat ng nagyari kahapon. Hindi mawalawala yung sakit na iniwan nila sa akin kahit na anong gawin ko. Akala ko makakalimutan ko yung pagwawalanghiya sa akin pag uminom ako, hindi pala.

Hindi ko lubos maisip na best friend at girlfriend ko pa yung nagwalanghiya sa akin. Grabe, ano ba ang kasalanan ko sa kanila?

Langhiya naman oh.

Makabangon na nga, ililigo ko na lang muna ito tapos mamaya dideretso na lang ulit ako sa bar para uminom. Wala namang masama maglasing muna ako diba? Kahit sandali lang makakalimutan ko yung katarantaduhang ginawa sa akin.

Tatayo na sana ako kaso umatikabo na naman yung sakit sa ulo ko tapos nakisabay pa yung katawan ko kaya napahiga ulit ako.

Teka nga lang....Paano nga ulit ako nakapunta dito sa kwarto? Ang huli ko lang natatandaan ay may kausap akong babae. Hindi ko na maalala ang mukha niya, lalo pa't hindi ko suot yung salamin ko nang mga panahong yun. Shit! Bukod doon ay wala na akong maalala.

Siguro napadami talaga yung nainom ko, hindi naman kasi ako sanay na maglasing, tanging si Jesse lang talaga ang nakapagpabago sa akin ng ganito.

Pero sino kaya ang nagdala sa akin dito? Hindi naman pwede yung babae sa bar. Hindi nya alam kung sino ako at saan ako nakatira at kung alam man niya, hindi niya ako kayang buhatin papunta sa sasakyan at i-drive dito sa bahay.

Naghinatay muna ako ng limang minuto bago subukan ulit tumayo. Medyo nahihilo pa din kasi ako.

Dahil hindi ko na matandaan kung nasaan na ang salamin ko ay kinuha ko na lang ang luma ko sa may side table at dahan dahang tumayo. Doon ko lang nakita kung anong nangyari sa kwarto ko.

Grabe, parang dinaanan ng bagyo. Ang gulo ng kama tapos nakakalat ang mga damit ko sa lapag. Ngayon ko lang napagtanto na naka boxer shorts lang pala ako. Kinuha ko yung nakakalat kong T-shirt sa lapag kaso bigla akong natigilan ng may nakita akong nakakalat na mga condoms sa lapag katabi ng damit ko.

Shit! Ano to?

Saan 'to nanggaling? Wala akong natatandaan na mayroon ako nito dahil unang una wala akong pagagamitan pa. May nangyari kaya kagabi na hindi ko alam?

Pero saan nga nanggaling 'to? Hindi naman pwede bigla na lang ito sumulpot. Hindi din ito pwede dala ng mga katulong na naglilinis kasi halata naman hindi pa sila nakakapasok sa kwarto ko.

Pinulot ko yung mga nakakalat na condoms sa lapag, may nakasamang papel na parang card kaya hiniwalay ko iyon. Tinago ko yung mga condoms sa cabinet ko tapos tinitigan yung parang calling card na hawak ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon