#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding

41.7K 704 576
                                    

(Tip: Play Chasing Cars by Snow Patrol. Pagsisihan niyo pag hindi nyo pinlay haha :D Love you guys! #BGFAG)

PS. AGAIN, naka PRIVATE ang LAST CHAPTER ng book. You need to read that first before 'tong mga Alternate ending. Haha :D 

~~



#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding


#BGAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding


"Ken? Kendrick?!"

I instantly sat back up and look at my surroundings.

Nandito pa din ako sa kwarto namin, sa bahay naming dalawa. I 'm still here and alive.

Good. At least alam kong isa na namang masamang panaginip 'yun.

"Love?" I called again, but he didn't answer. I looked at our alarm clock beside the table and it reads nine in the morning. Medyo tanghali na din pala. Pero nasaan kaya ang papabebe ko? Nag jogging kaya siya? O nagluluto sa kusina?


"Ken!" Panic starts creeping in when I called again.

Simula ng makarecover siya at lumabas siya ng ospital two years ago ay ganito na ako. Sa tuwing hindi ko siya nakikita o hindi ko alam kung saan siya pupunta ay hindi na ako mapalagay. Na para bang kailangan ko ng assurance na kahit kailan hindi na siya mawawala sa akin. Baka kasi kung mangyari 'yun ulit ay ikamatay ko na.

Pero bago pa man ako mag hyperventilate dito ay pinakalma ko ang aking sarili. Kendrick keeps on reminding me that this is not good for our baby.

Hinimas ko ang aking tiyan at kinausap ang munting anghel sa loob nito na malamang ay nagising ko dahil sa aking pagpapanic. "Good morning baby Ren. Sorry at nagpanic si mommy." I smiled and wipe the sweat that formed in my forehead.

Baba na lang siguro ako para tingnan kung nandoon siya sa may kusina at nagluluto ng amin ng agahan.

Gosh. He's a total house -husband, I'll tease him later for this. Haha.

And besides, I'm glad that I have a lot of time with him today. Since, noong Tuesday pa kasi siya nag leave sa kanyang office para samahan ako sa weekly check-up ko with my OB and to spend time with me and our baby. Due ko na din kasi this month kaya aligagang-aligaga siya.


"Ken?"

Madaming nakakalat na ingredients at iba't ibang mga utensils sa kusina. May nakasalang pang kaldero doon. Pero wala si Kendrick. Nasaan na siya nagpunta?


"Belle? Love? Bakit ka nagising nagpagka-aga aga?"

Agad akong umikot para makita ko ang pinangagalingan ng boses na tumawag sa akin.

Agad akong napangiti.


"Kendrick, gosh! Akala ko saan ka nagpunta!"

Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. Ikinulong niya ng kanyang mga palad ang aking mukha atsaka ako tiningnan ng diretso sa mata.


"Nanaginip ka na naman ba?"

Ngumuso ako at tumango.Ayoko siyang mag-alala pa sa akin pero ayoko naman ding magsinungaling sa kanya. Hindi ko na kaya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon