Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART TWO)

37.8K 462 82
                                    

A/N

Hope you enjoy this! 4 more Chaps left! Hahaha

Please do comment and/or tweet your reactions with :)  #BGFAG

*Fandom Hug sa lahat ng EXO-L!

*Medyo SPG

*Music: Photograph by Ed Sheeran

*May page na po ako (feeler maganda hahaha) Nasa External Link <3

~~~~~~~~~~~~~~

Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART TWO)

(cont..Glorie’s POV)

I know, habang hindi nakatingin si Nico, alam kong tumatanggap pa din si Belle ng client para sa Bad Girls Corp nilang magkakaibigan. And today, hindi lang simpleng lalaki ang client niya. It’s Jeano. Nico’s bestfriend.

Halos magkamali pa ako ng number na mapindot sa sobrang pagmamadali na ma contact si Nico at papuntahin siya sa bahay para makita niya nang mismong mga mata niya ang mga nakikita kong nangyayari sa kwarto ni Belle. Hey, hindi ko naman kasalanan na hindi siya marunong mag lock ng kwarto niya.

 

“Nico?” Pangatlong ring niya pa sinagot ang tawag niya. Dahan dahan ko muli isinarado ang pinto para hindi nila mapansin na aksidente ko lang na nabuksan ito at dumeretso na ako sa kwarto ko.

 

“Yeah?”

 “Can you come here? May dapat kang makita,”

 

“Sige, nasa neighborhood lang din naman ako,” Mabilis ang tibok ng puso ko nang inend ko ang call.

~~

Nang dumating siya, hindi agad ako nakapag salita pero pinatuloy ko pa din siya at dinala sa taas. Sinigurado ko na makita niya ang nakakalat na t-shirt ni Jeano sa labas ng pinto ni Belle bago ko siya itinuro na pumasok na sa loob.

Binigyan niya lang ako ng nagtatakang ekspresyon pero walang tanong tanong na binuksan ang pintuan.

Hindi na ako sumilip sa loob ng kwarto dahil alam ko naman na ang senaryong makikita ko doon at nagtago na lang sa labas.

 “Anong ibig sabihin nito?!”

Rinig na rinig ko ang panginginig nang boses ni Nico. At di ko maiwasang hindi mapangiti. Huli ka Belle Silva.

“Ni-nico… baby I can explain…”

Narinig ko na may malakas na kumalabag kaya naman nag take ako ng risk at sumilip. Nakita ko na hinila ng marahas ni Nico si Belle kaya nakaladkad ito at napaupo sa lapag. Hindi ko alam kung tutulong ba ako para pigilan ang kung ano mang pwedeng mangyari sa loob o i-enjoy ko ang mga napapanood ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon