Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)

52.2K 692 722
                                    

 Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)

Justin’s POV

 

“All the paper works are done sir,”

Tumigil ako ng saglit sa paglalakad sa locker room ng presinto na pinagdalan sa akin para maghintay sa g-agong kaibigan ko. Kainis! Isang linggo niya ako inabala!

 

“Bakit inabot ng isang linggo?!”

Halatang natatakot sa akin ang attorney ni Kendrick, tsk! Ngayon alam ko na kung bakit natagalan ang pagpapalaya sa g-agong yun, walang kwenta din pala at mahina ang attorney na kinuha niya!

“May dating record na si Mr. Adriano at nagsampa din kasi ng kaso si Ms. Ocampo. May mga nakalap na ebidensya ang mga pulis---“

 

“F-uck! Sa tingin mo may pakialam ako? Ang gusto ko lang malaman ay bakit inabot ng isang linggo?!”

 

“Sir---“ naputol ang sasabihin sa akin ni attorney ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nakangiting aso na si Kendrick. May dalawang pulis ang naka-escort sa kanya habang pumasok siya.

Wala sa kanyang nagbago bukod sa mas halang na ang sikmura niya ngayon. Tinapik niya ang balikat ko at saka umupo sa nag-iisang sofa sa kwarto.

 Mas lalong kumulo ang dugo ko nang umaasta siya na parang wala lang sa kanya na kakagaling niya lang sa kulungan. Iniwan na kami ng dalawang pulis na umescort sa kanya kaya kaming tatlo na lang ang naiwan sa kwarto. 

“Chill bro, nakalaya na ako. Wag mo naman nang pagalitan etong si Attorney,”

Buti na lang talaga at maganda ang gising ko ngayong umaga dahil kung hindi baka kanina ko pa nabura yang mayabang na ngiti niya gamit ang kamao ko.

“Attorney iwanan mo muna kami,”

Dali-daling iniligpit ng attorney ang mga papeles na nakakalat sa may lamesa. Bago umalis siya umalis pinigilan siya ni Ken at kinuha sa kanya ang isang pakete ng malboro at lighter. Hindi na umangal si Attorney Baello  at iniwanan kaming dalawa. Napabuntong hininga na lang ako nang sindihan niya ang sigarilyong kinuha niya.

“O, Justin. Bakit ganyan ang tingin mo?  Gusto mo?” Inabot niya sa akin ang isang stick pero di ko pinansin. “Sabi ko namang chill lang pare. At hindi ba hindi naman ito ang unang beses ko na nakulong?”

Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko bago ako magsalita ulit. Oo nga pala hindi ito ang unang beses na nakulong siya.

 

“Why did you do it?”

Binato ko ang isang mansanas sa direksyon niya at madali niya itong nakuha habang nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon