Season 1 |28| >>#QuantumLoveAffair

90.8K 1K 138
                                    

Kendrick's POV

Natigil yung pagiging tulala ko nang marinig ko ulit yung katok ng bintana na nagpatigil sa amin kanina.Hindi naman sa nagrereklamo ako na natigil yung kung ano man ang ginagawa namin pero...

"Open it,"

Binaba ko 'yung bintana ko at tiningnan ang MMDA officer na nakatayo sa labas. Akala ko aarestuhin na kami dahil baka nakita niya yung nangyari kanina pero nung sinabi niya na kailangan ko lang daw ilipat ang kotse ko dahil humaharang sa daan ay nabunutan ako ng tinik.

"Kinabahan ka 'no? Akala mo siguro huhulihin tayo,"

Tumango ako sa kanya at umiwas ng tingin.

Ewan ko ba, nahihiya ako tumingin sa kanya. Para kasing na violate ko ang pagkababae niya sa ginawa ko kanina lalo na at nahawakan ko ang...ang dib-dib niya.

Tsk, okay sabi ko nga hindi ko na iisipin yun.

Narinig ko siyang tumawa sa tabi ko, "Okay lang 'yan Ken, pwede naman nating suhulan yang officer na yan eh. At isa pa pag nahuli tayo maco-cross out na natin yan sa checklist mo,"

Oo nga 'no, meron nga pala kaming checklist na kailangang tapusin. Una palang alam ko ng masamang ideya yung checklist na nagawa niya pero habang mas lalo ko pang pinag-iisipan 'yun ay na e-excite ako. Para din kasing masarap gawin ang bawal kung minsan.

"So, saan tayo ngayon papabebe?"

"Uuwi na," tipid kong sagot.

"Oh hell no! Ayaw ko pang umuwi! Ay alam ko na!" Kinuha niya yung GPS sa may dashboard ko at nag type ng address. Kinuha ko sa kamay niya yung GPS ko at nakitang sa SM Manila niya pala gustong pumunta.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman malayo ang Manila sa Makati kaso tinatamad na akong mag drive.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan papabebe, baka kung anong magawa ko sa'yo,"

"Tss! Sige na, sige na. Pero madali lang tayo ha, bilhin mo agad yung kailangan mo pagdating natin dun,"

"Hmm,"

Ayun nga pumunta na kami sa SM, magpapaiwan na sana ako sa kotse kasi alam kong mag sho-shopping lang siya. Nakakatamad kaya maglakad at sumunod sa kanya.

"KJ mo talaga! Come on na kasi, let's go na there,"

Nasa parking lot pa din kami at kasalukuyan niyang hinahatak ang kamay ko. Kaya naman dumikit ako lalo sa pintuan ng kotse ko at hindi siya pinansin.

"Ken, hunnybabes-oh-so-sweet, nerd ng buhay ko at machong papabebe ng Brent please?Sumama ka na sa akin? Pretty please?"Nag pout siya at mukhang paiyak na.

D-amn! Sinabi nang sa mga babaeng umiiyak ako mahina. Kaso syempre nadala na ako sa panloloko niya kanina. Alam kong arte niya lang 'to... hindi ba?

Tsk, dapat artista na lang ang pinasok nito eh, ang galing umarte.

"Sige na Belle, mag shopping ka na o kung ano man ang gusto mong gawin, dito na lang ako,"

"Ayaw mo ba talaga? Please, please, please!"

Ang kulit. Pero teka, bakit siya humihikbi? Wag mong sabihin iiyak talaga siya dahil lang sa hindi ko pag sama?

"Belle," Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at medyo inalog alog ko siya. Nag uumpisa na siyang umiyak.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon