Season 1 |26| >>#Beldrick (Part Two)

100K 1.2K 107
                                    

Warning: Medyo SPG please, if you are a minor, skip the part with (***) Thank you! And dedic ito sa kanya, because her comments were just lovely :)

~~

Kendrick's POV

"I- French kiss mo ako,"

Napalunok ako ng laway ko ng wala sa oras.

Ano daw?  Gusto niyang I- French kiss ko siya?

Alam ba niyang limang beses pa lang ako nakakahalik ng babae? Dalawang mabilis na smack kay Jesse nung kami pa, dalawang halik sa kanya nung birthday ko at yung kanina... yung hinalikan niya ako ng hindi ko inaasahan.

Lima.

Limang beses lang.

Tapos ngayong French kiss ka agad?

Ni hindi ko nga alam kung paano mag french kiss!

"Come on Ken. You can do it."

Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.  Mas inilapit pa niya yun nang hinigit niya ang kwelyo ko.

Hindi ko alam. Masyado akong naguguluhan sa nangyayari sa amin. Biglang uminit ang paligid at nandilim ang paningin ko. Parang si Belle Silva lang ang nakikita ko tapos yung paligid namin hindi ko na alam kung anong nangyayari.

Ang mas matindi pa ay may nararamdaman akong kakaiba sa may dib-dib ko na hindi ko alam.

Sht. Hindi ako pwedeng kabahan sa baliw na'to! Kendrick, hingang malalim! Wag kang magpapaapekto sa mapula niyang labi at sa mabango niyang pabango!

Para ngang may nabuhay na dinosaur sa tiyan ko. Kinakain ng buo ang laman-loob ko sa sobrang kaba.

Sht.

"Eto oh tingnan mo yung list na nakasulat diyan,"

Ilang beses ako napapikit at napalunok. Lumayo siya sa akin bigla at may ini-abot na papel sa harapan ko. Hindi ako sigurado kung panaginip o ilusyon ko lang ba ang lahat nang nangyari kanina o nagbago na lang ng ganun kadali ang gusto niya pero bigla na lang nawala ang tensyon sa aming dalawa.

Umubo ako para mapunan ang  nakakailang na katahimikan bago ko kuhanin ang papel na hawak niya at tiningnan ito. "Huh? Para saan 'tong listahan na'to?"

Huminga siyang malalim  sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Mga to-do lists ko yan. Dapat ma-accomplish natin ang bawat isa diyan  sa loob ng anim na buwan."

Tiningnan ko muli ang papel at hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ng isa-isa kong binasa ang mga nakasulat dito.

"Te-teka! Seryoso ka dito? Kailangan talagang gawin natin 'to?"

"Yup!" Sabi niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

"P-pero..."

Sa sobrang pagkataranta ko ay binasa ko sa kanya ang lahat ng nakasulat.

1)  Social Skills (Dressing up, talking with other people...etc.)

2) Run for a position in Student Council

3) Out of town with friends for a week.

4) Kissing Skills ( Smack, Normal, Passionate, French, )

5)  BHJ (Fast or Slow)

6) Vanilla

7)  Kiss/Make out with some random girl

8) Kiss/Make out with Evil Ex

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon