Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #FHBGFAG (part three)

31.6K 562 120
                                    

~~~

Season 2 |Z |>>#Always&Forever|  BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG (PART THREE). 

Umalis sila lahat nang isang gabi para mag club. Tumanggi ako at hindi na sumama. Sawang sawa na ako sa buhay na ganyan. Mas pipiliin ko pang pmanigarilyo sa duyan sa likod nang mga kubo kaysa mag club sa kabilang isla.

 

“Ken?”

Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi kilabutan sa boses na narinig ko. Mukhang kakagaling lang niya sa pag-iyak. 

 

“Hindi ka sumama sa kanila?” 

Nanginginig ang boses niya.

Natatakot ba siya sa akin? 

Tinanggal ko ang sigarilyo sa bibig ko at pinaglaruan na lang ito sa mga kamay ko. Ayokong makita niya akong naninigarilyo.

 “Ken,”

 “Umalis ka na,”

No. Don’t Go. Please.

“Papabebe naman…”

 “What do you want?”

Pinilit kong malamig ang boses ko habang kinakausap ko siya. After all these days, ngayon lang siya gagalaw? Ngayon niya lang ako kakausapin?

“I need to talk to you. I-I…Gusto ko lang mag so-sorry…”

Hindi ko na siya pinatapos at tumayo na. “Yun lang ba?” 

“Sa-sandali lang. I need to talk to you,”

 

Ibinato ko ang hawak kong yosi “Wala na tayong pag-uusapan,”  Tumalikod na ako sa kanya siya nagsimula nang maglakad papalayo. Kung mag so-sorry lang siya at nasaktan niya ako, ayoko nang marinig yun. The last thing I want is for her to be sorry for not loving me the way I want her to. The way I love her.

 “Kendrick, please! Just listen to me! I- I love you!”

Natigilan ako.

 Sobrang gusto kong maniwala sa mga sinabi niya. Pero hindi pwede. Ayokong umasa. Lintek na yan.Kumapit siya sa akin kaya halos mabaliw ako. Sht. What do I have to do to forget my feelings for her?

“Hindi mo iiwan ang taong minamahal mo Belle,”

Mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. “Kendrick please…”

Bigla akong parang napaso sa hawak niya. Sht. I can’t do this. I need time too think.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon