Season 2 | T | >> #TheLastWomanStanding

40.2K 617 562
                                    

AN:

Guys don’t forget to comment and tweet me your reactions! #BGFAG at @Chelsea13_WP :D  Okay? And I just want to clear something; Gem is NOT a S3x slave? Orayt? Hahahaha LOL

 

xx

Season 2 |T| #TheLastWomanStanding

Gem’s POV

 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin lang ako habang tumatakbo papalayo ang kaibigan ko.

“Sht,” Narinig kong sinabi ni Nico. Pero hindi siya ang inaalala ko ngayon.

Nakatingin din si Kendrick sa daan kung saan tumakbo si Belle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung magsimula siyang tumakbo para habulin si Belle. Hindi ko alam kung makakaya ko.

 

“Ken…” kumapit ako sa kanya. Mahigpit at sa paraang mararamdaman niya na ayaw ko siyang sumunod. Na ayaw ko siyang umalis at iwanan ako para habulin si Belle. Na ayaw kong mawala pa siya sa akin.

Hindi ko malaman kung anong iniisip niya. Bumitiw siya sa pagkakakapit niya sa bewang ko at kinuyom niya ang magkabilang kamao niya. Tiningnan ko ang mukha niya, expecting to see something. Pero nagkamali ako, napaka blanko nang mukha niya.

Yung lalaking kasama ni Belle, nagsimula nang habulin siya. Pati din si Nico, ibinaba niya lang ang bagahe niya mabilis na gumalaw at tumakbo papunta sa direksyon kung saan tumakbo si Belle.

For a second, I expect Ken to run and follow her too, pero laking pasasalamat ko nang hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya.

“Wait!” Sigaw ko. Hindi pa nakakalayo yung dalawang lalaki kaya narinig nila ako. Naglalakad ako papalapit sa kanila kaso hinigit ni Ken ang kamay ko at pinigilan ako.

 

“Don’t go.”

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa mukha. “Kailangan ko Ken. I need to talk to her,” hindi ko na siya hinintay sumagot. Tiningnan ko si Justin. Naguguluhan din siya sa nangyayari.  Tumakbo ako papunta kila Nico. Naintindihan naman nila na kailangan kong kausapin muna si Belle kaya naman hindi na nila ako sinundan.

Buong akala ko hindi ko siya maabutan. Buti na lang at naglakad lakad pa ako hanggang sa marating ko ang nag-iisang cabana sa may dalampasigan. Nandoon siya at nakaupo. Nakasubsob ang ulo at mukhang umiiyak.

“B?”

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kinakabahan.   Anong sasabihin ko? Sorry? Sorry dahil nakita niya kaming Masaya ni Kendrick? Sorry dahil inagaw ko sa kanya ang lalaking mahal niya? Sorry dahil nagmahal din ako?

“Kayo na ba?”

 

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon