Season 2| H | >> #MakingMeBreathless

80.1K 1K 185
                                    

Season 2 |H|#MakingMeBreathless

(Part One)

Kendrick's POV

"Do you like her?"

Muntik ko nang mabitawan 'yung mga dala ko nang biglaan akong tanungin ni Justin habang nasa SC kami.

"H-ha? Ano ba naman yang tanong na yan, umayos ka nga,"

Tumawa siya na parang baliw. Nako, kailangan ko nang sabihan si Jade na ang manliligaw niya baliw na.

"Alam mo? Ang gago mo. Halata ka na, tumatanggi ka pa," Umiling siya at pinagpatuloy ang pagkalikot niya sa violin niya.

Ako naman hindi ako maka concentrate sa tinatapos kong requirement sa Philo dahil 'yung mata ko parang gustong si Belle lang ang tingnan habang inaayos niya 'yung video camera na gagamitin niya sa pag rerecord para sa isang project.

"Paano ba malalaman kapag may gusto ka na sa isang tao?" Mula sa kawalan kong tanong.

Nitong mga nakaraang araw kasi puro si Belle na lang ang laman ng utak ko. Sa lahat ng ginagawa ko siya' yung palaging nakikita ko. Minsan nga kahit hindi ko siya kasama naririnig ko pa din 'yung boses niya sa utak ko.

Baliw na ba ako?

Dati kasi kay Jesse, sigurado ka agad akong may gusto ako sa kanya. Unang pagkakita ko sa kanya, sigurado ako na may nararamdaman ako sa kanya. Pero ngayon kay Belle, lahat ng bagay hindi sigurado. Lahat nakabitin. Lahat nakakalito.

"Isa lang sagot pre. Pag gusto mo ang isang tao, wala ka nang maisip kung hindi siya lang,"

Napakamot ako sa ulo ko. "Kay Jade ba ganoon ka?"

Ngumiti lang siya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. "Minsan iniisip ko kung anong dahilan nila kung bakit sila nagtayo ng Bad Girls Company? Mayayaman naman silang tatlo, magaganda at matatalino. Pero hindi ka ba nagtataka pre?"

Tiningnan ko ulit si Belle na ngayon nag sasalita na sa harapan ng camera. Tiningnan ko din si Gem at si Jade na gumagawa ng mga assignments nila sa kabilang table. Wala nga sa itsura nila na makakaisip na magtayo ng ganong bagay.

"Ano hula mo?" tanong sa akin ng kaibigan ko.

Nagkibit balikat lang ako at hindi siya sinagot. Isa sa mga araw na'to itatanong ko yan kay Belle.

Pero kahit ano man ang dahilang meron sila, hindi ko na ata pwedeng kayang pagsisihan na pumirma ako sa kontrata nila.

"Argh!" Sigaw ni Belle habang pinapanood niya yung tape na nirecord niya kanina.

Agad naman akong napatayo para tingnan kung anong meron at napasigaw siya. Si Justin nakangisi sa akin na parang nangungutya.

"Bakit?"

"Ang pangit ng boses ko sa tape! Argh! Kaya ayoko talaga gawin 'tong project na'to eh!"

Hinawi ko 'yung ligaw na buhok niya sa noo, "Teka, tulungan kita i-adjust natin 'yung setting baka may mali lang"

Nang ngumiti siya at halikan niya ako sa pisngi, nalaman ko na kagad ang sagot ko sa unang tanong ni Justin sa akin.

~~

"Yo, Kendrick! Buti naman at napapayag ka na ni Belle na tumakbo sa next election?"

"Wala naman mawawala pre, kaya susubukan ko lang," Sabi ko kay Kevin habang inaayos ang gamit ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon