Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART ONE)

61.8K 750 234
                                    

Season 2 |Chapter NG| >>>“#It’s Over” (Part One)

Gem’s POV

 

‘Good Morning :)’

 

Binasa ko yung text ni Kendrick nang paulit ulit at hindi ko mapigilan yung puso ko na tumibok ng sobrang bilis. One week na simula nang ma receive ko ‘to pero para akong nababaliw dahil hindi ko pa din maalis yung mga ngiti sa labi ko sa tuwing nababasa ko ang mga texts niya sa akin.   

 I know, nangako ako kay Belle na hindi ko na sila gagambalain ni Kendrick until hindi pa natatapos ang contract nila, but what the hell right?  I can’t help myself. I like him a lot and besides wala naman sinasabi si Kendrick sa akin na hindi na siya pwede. 

Sabi nga nila, if you really want something so bad you should strive hard to get it. By hook or by crook, kapag gusto mo, kailangan mo itong makuha. No matter what it cost you… And I want Kendrick. 

And I will get him.

 

‘May date ka na ba sa ball next week?’

God! Tanda ko pa nung araw na tinanong niya yan sa akin via text. Sobrang ang taas ng expectations ko na tatanungin niya din ako. Sobra yung pagtibok ng puso ko sa kanya. Kailan kaya masasanay ‘tong puso ko na tumibok nang normal pag si Kendrick ang kausap?

“Nah, wala pa nga eh,”

I remembered texting him back with a smile on my face. Hindi mo naman ako masisi kung umaasa ako. Sa sitwasyon ko. Yun lang naman ang pwede kong gawin…ang umasa. Hanggang wala pa akong pinanghahawakan, wala akong pwedeng gawin kung hindi umasa.

 Kahit hindi kami masyadong nag uusap sa personal dahil laging nakabantay si Belle, we always texted or even call each other.  Para nga kaming mayroong secret affair e! Haha! Exciting!

“Ah, sabi ko kay Justin siya na bahala sayo. Hindi ka pa ba inaaya?”

See? Hanggang asa na naman. But hindi ako mawawalan ng pag-asa! I will get this boy! Maybe hindi pa ngayon pero malapit na! Aja!

“Eh? That perverted monkey? Ew, no.”

 

Sometimes we talked for hours and hours. Minsan naabot pa kami nang madaling araw kaka-text  lang namin sa isa’t isa. Himala nga e, hindi nahalata ni Belle.

Anyway nitong mga nakaraang araw, about sa mangyayaring Winter Festival lang ang lagi naming pinag-uusapan. We’ve been chosen kasi na mag host sa annual Auction ng mga admins at iba pang kilalang mga tao na invited sa Brent. It’s really a big opportunity sa part ni Kendrick dahil bukod sa first time niya, makikilala din siya ng ibang mga prospect clients nila sa bank na pag mamay-ari nila in the future.

 Madaming activities din naman  sa Winter Festival bukod dito sa Auction na gaganapin at isa na dun yung pinagkakaabaalahan naming Winter Festival Play. Kung sana mabait at hindi bastos ang client ko, edi sana may date na ako ngayong araw ‘di ba? Kaso wala, hayup talaga siya forever!

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon