Season 2 | Y| >>#AsLongAsYouLoveMe

43.9K 712 364
                                    

*No hate sa endearments ko! Hahaha endearment yan nang parent ko e :D lol <3

Music: As Long as You Love Me-Justin Bieber

                Samson-Regina Spector

 

Season 2 | Y| #AsLongAsYouLoveMe

Jade’s POV

“Come on myloven, just one night. Take some day off. I missed you. Hindi na kita masolo,”

“Myloven naman, alam mo namang uuwi na si B bukas ‘di ba? Mawawalan na ako ng time tapusin lahat ang lahat nang trabaho ko pag lumabas pa tayo ngayon. And besides,” I sigh before contuining. “We will be married in what? 6 months from now? Masosolo mo din ako don’t worry. Yung kasal muna ni Belle ang intindihin natin ngayon.”

Huminga ako nang malalim bago tumayo sa swivel chair na inuupuan ko. Ugh! I need to rest nga muna. I swear, I am happy with my job. I am happy with my new company but, I wonder kung nag stay na lang kaya ako bilang  isang party girl  forever ,na walang alam sa resposibilidad, mas masisiyahan kaya ako sa buhay ko ngayon?

“Jade Anne Montero-Enrique, please?”

Halos man lambot ang tuhod ko nang sabihin niya ang buong pangalan ko nang puno nang lambing. Kahit na five years nang kami, hanggang ngayon hindi pa din ako nasasanay sa malambing na boses niya.  “Justin, I’m busy. Come on, you know that I just started this company right? And I need to prove myself here. Hindi ako pwedeng labas lang nang labas tuwing gabi. Sorry babe, I need to work overnight.”

 

Sumasakit na ang ulo ko sa dami nang tatapusin para sa presentations namin bukas sa mga investors. I want to prove something to them. Na hindi lang ako anak nang isa sa mga top business man sa Asia at isang socialite. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko din makipag sabayan. Pero…damn, masyado akong inaakit ng boses ni Justin para i-ditch na ang lahat nang trabaho at sumama sa kanya ngayong gabi.

“Please?” I heard him sigh on the other end of the line and with that my resolve to be a good boss and finish my work tonight, vanishes into thin air. 5 years na ang nakakalipas nang sagutin ko siya pero hanggang ngayon isang buntong hininga niya lang nagbabago ka agad ang isip ko.

“Oh jeez, what the heck! Fine!”

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko dahil alam kong nakangiti na din siya sa kabilang linya. Tumingin sa akin ang secretary ko dahil siguro mukha akong tanga sa sobrang laki nang ngiti sa mukha ko.

It makes me happy to know that these little things I do, makes him happy. Grabe sa loob nang limang taon, wala siyang ginawa kung hindi iparamdam sa akin na mahal niya ako at pasiyahin ako. I want to do the same for him.

He’s been there with me through thick and thin. He’s been there with me when my heart broke. Parang lahat na nga yata nang oras niya, sa akin niya ginugugol. Hindi ko yata maatim na hindi siya pagbigyan kung sandaling oras lang naman ang kailangan niya sa akin hindi ba?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon