Season 1 |35|>> #JustOneKiss

94.4K 1K 151
                                    




|Chapter 35 PART ONE- Just One Kiss |

Kendrick's POV

Ano ba ang dapat gawin sa mga sitwasyong kagaya nito?

Yung tipong may nakayakap sa 'yong babaeng hindi mo naman ganoon kakilala pa, pero grabe ka na kung kabahan?

Yung tipong kontento ka na, sa posisyon ninyo dahil nasisiyahan ka kung paano nakapulupot ang mga kamay niya malapit sa dibdib mo?

Yung natutuwa ka dahil nararamdaman mo ang mainit niyang katawan na nakadikit sa likod mo? Yung tipong pati ang amoy niya ay ikinasasaya mo na din?

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong, handa kang isakripisyo ang kahit na ang maliit na bagay katulad ng pagiging late sa klase para lang maipaghanda siya ng almusal? Para lang sumaya siya?

At ano ang gagawin mo kung gumising ka na lang isang araw at naisip mo na kailangan mo siyang protektahan at paligayahin sa kahit anong paraang kaya mo?

Ano ang gagawin mo kung pag gising mo, nalaman mo na unti-unti ka na palang nahuhulog sa kanya?

Tatakbo ka ba? Pipigilan mo ba ang lahat bago pa lumala ang nadarama mo? O hahayaan mo lang ang panahong magpasya kung saan dadalhin ang relasyon niyo? O hindi kaya, susuko ka na lang dahil takot ka na namang masaktan?

Ano ba ang dapat gawin?

Ano ba ang dapat kong gawin?

"Sht!"

Langhiya! Nasunog na ang niluluto ko. Kainis naman kasi 'tong baliw sa likod ko, kapit ng kapit! Parang tarsier sa bohol.
Tumawa ang baliw , susungitan ko na dapat siya kaso hindi ko alam kung bakit hindi ko na tinuloy.

"Hahaha! Ayan kasi distracted ka sa kagandahan ko,"

Psh. Paano ako naging distracted sa ganda niya? Nasa likod ko kaya siya! At isa pa saan ang gandang sinasabi niya?

Hindi niya pa din tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin, kaya hindi ko na din pinansin. Hayaan niyo siya diyan yumakap .

Tinapon ko yung nasunog na scrambled eggs sa basurahan at inilagay ko ang bacon at yung fried rice na niluto ko sa isang plato. Sinubukan kong lumakad ng maayos papunta sa dining room namin, kaso hindi talaga ako mapakali na may nakayakap sa akin kaya makailang beses na din muntik matapon ang mga pagkaing hawak ko.

Nang makarating kami sa dining room, niyakap niya muna ako ng mahigpit bago umupo siya sa lamesa at kumain.

"Papabebe, ang sarap naman nito!"

Tiningnan ko siya ng masama bago ako umupo sa silyang katapat niya. Psh. Grabe naman 'tong babaeng 'to kung makalamon parang nagutuman.

"Tss..."

"Ano na naman drama mo? Compliment kaya yung sinabi ko!"

"Tss..."

Ngumisi lang siya at pinagpatuloy ulit ang paglamon...este pagkain. Nilagyan ko din siya ng orange juice para hindi mabulunan, para kasing pati yung plato kakainin niya. Hindi naman ako gutom kaya hindi na ako sumabay sa pagkain, kape lang ang inalmusal ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon