Season 1 |9| >> #JadeAndGem (Part Two)

110K 1.5K 103
  • Dedicated kay Donna Robles
                                    




Gem's POV

"Gem! Jade! Bakit ang tagal niyo?" biglaang sigaw ni Belle.

Papansinin ko na sana siya, naka ready na ang ngiti ko at lahat na... kaso bigla ko na lang napansin yung nakaupong lalaking nasa harapan ko.

Inaasahan ko namang mangyayari ito. Alam kong tatawagan niya yung number na ibinigay ko sa kanya, kaso ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit siya pa yung lalaking tinutukoy ni Belle.

Aish! Dapat iba na lang kasi yung kay Belle! Napaka possesive pa naman nito. Kung inangkin niya na si Kendrick ay mahihirapan na akong makipag-kaibigan sa kanya. Panigurado ay 24/7 sa kanya nakabantay ang kaibigan ko. Paano na lang kaya ang gagawin ko?

"Bitch ang aga mo lang!" sabi ni B kay Jade, tapos nagkayakapan sila.


Tiningnan ko naman ng maigi yung lalaki. Grabe kahit Jologs siya ang gwapo pa din nya. Pinagmasdan ko lang siya, pigil na pigil ang ngiti ko sa mukha. Nararamdaman ko na kasi ang mainit na mata sa amin ni Belle mula sa gilid.


"Ah, oo nga pala. Hindi ko pa kayo na iintroduce," nang magsalita si Belle ay doon ko lang napansin na kumunot ang noo ni Kendrick at nakatingin din siya sa akin. May problema kaya?

"Gem?" Siniko ako ni Jade at binulungan kaya medyo na distract ako. Kaso parang nagmukha akong naguilty. Ganun din ang naging reaksyon ni Kendrick.

Sana hindi mapansin ni Belle na magkakilala kami. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin dahil sa walang kwentang bagay.

"Ken, this is Gem and this is Jade. Bitches, this is Ken." pagpapakilala sa amin ni Belle.

Naku! Sira talaga itong si Belle, Bitches talaga? Aish!


"Annyeonghaseyo." Bati ko sa kanya sabay bow.


Sunod namang bumati si Jade na sinabayan pa ng mahinang hampas kay Belle sa braso. "Grabe ka naman B, bitches talaga?" matapos niyang sabihin ito ay humarap siya kay Ken at inextend yung right hand niya.

"Hi, I am Jade. Nice to meet you!" sabi niya. Kinuha naman ni Ken yung kamay ni Jade tapos nakipag shake hands din.

Napansin ko na medyo matagal din yung handshake nila.Grabe si Jade na nanchansing na naman! Nako lagot sa akin 'to mamaya!

Umubo si Belle. Pero halata namang fake lang yun kasi ang sama niya makatingin kay Jade.

Okay siya na. Siya na talaga ang may karapatang mag selos....hay! kung bakit ko ba naman ako pumayag sa lalaking yun kahapon, taken na tuloy ako.


"So let's discuss the reason why you are here." sabi ni Jade.

Kung kahapon gusto ko na tumawag siya at pumayag na sa contract ngayon naman parang ayoko na...paano ba kasi, sure na ako si Belle ang pipiliin niya.

So unfair...that should've been me.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon