Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)

61.2K 759 229
                                    

A/N

Comment po hahaha :D

And Tweet me for your reactions please hahaha @Chelsea13_WP or with the hashtag #BGFAG para kahit di nyo na ako i-tag :)))

Kapit. :* Play nyo yung song sa side para mas may feels~~~~

Song: Little Things by 1D

~~~

 Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)

Kendrick's POV


"Kendrick, hingang malalim. We're next,"

Tiningnan ko yung babae sa harapan ko. Minsan naiisip ko kung  bakit hindi sa kasing ganda niya at kabait na lang ako nahulog at sa isang babaeng napaka kumplikado pa talaga ako napunta. Para kasi talaga siyang anghel sa sobrang ganda.

Bagay sa kanya yung dilaw na gown na suot niya, mas lalo pa siyang naging maputi at maamo ang mukha.

 "Gem...pwede bang iba na lang? Hi-hindi ko kasi ata talaga kaya,"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. "Ano ba Ken. Magpakalalaki ka nga. Mga taga Brent lang yan, at yung ibang member ng board of directors. Besides, you're doing this for a good cause. At isa pa, akala ko ba effective na ang ginagawa sayo ni Belle. I thought you already gain some confidence?"

"Oo nga pero..."

"Pero wala. Lalabas tayo dun at ngingiti at uumpisahan ang auction. Gets?"

Ngumiti ako sa kanya, at hinawakan ang kamay niya. "Thanks,"

Hindi ko alam kung bakit pero biglang namula ang mukha niya at umiwas siya ng tingin. "Good..."

~~

Pagkatapos nang Auction ang agad kong ginawa ay hanapin si Belle. Maraming taong nagkalat dahil yung iba pupunta na sa Winter Festival Play yung iba naman sa mismong fair pupunta.

Naabutan ko siyang naghihintay sa akin sa mismong pinto nang auditorium.

Dahan dahan akong lumapit para lang makakuha nang oras pagmasdan siya. Kabado, namamawis ang palad at nag-aalburotong tiyan, yan lamang ang ilan sa mga nararamdaman ko ngayon habang naglalakad papalapit sa kanya.

Hindi ko alam sa loob lamang ng ilang buwan na magkasama kami, ay dadating sa puntong wala na akong ibang ma-isip kung hindi, paano siya mapapasaya...paano siya mapapatawa.

Wala nang oras na hindi ko hinahanap hanap ang mga ngiti at tawa niya. Na dadating pala ako sa puntong siya na lang palagi ang laman nang isip ko, sa tuwing wala na akong ginagawa, sa tuwing naghihintay ako nang antok sa gabi at kahit na sa kalagitnaan nang klase, ang mga ngiti niya lang yung paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Hindi ko inaakala na dadating ako sa puntong mamahalin ko siya.

Siya lang. Wala na akong pakielam sa ibang babae, siya lang talaga.


"Hi,"

Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti. Kung alam niya lang kung anong epekto sa akin nang ganyang mga ngiti niya. Kung alam niya lang talaga.

Buong play hindi ako mapakali, at kabado dahil pagkatapos nito magtatapat na ako sa kanya...at hindi ko alam kung tatanggapin niya ba'to o hindi. Lalo pa't malinaw na ang usapan namin na maghihintay ako pa ako nang talong buwan.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon