Season 2 | C |>> #HugsAndKisses

77.1K 969 170
                                    

  Season 2 | C |>> #HugsAndKisses

Kendrick's POV

(11 hours ago...)

"Papabebe,"

Minulat ko ang mga mata ko.

"Kendrick?

Noong una hindi ko alam kung nasaan ako. Parang wala kasi ako sa sarili kong kwarto sa sobrang liwanag.

"Ken, gising na. We're gonna be late for our class,"

Pumikit ulit ako. Hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita. Pero ang ganda ng boses. Ang ganda...ang ganda...

Mas lumapit pa ako sa magandang boses na napakinggan ko at kahit hindi ko kilala kung sino siya, ay naglakas loob pa din akong yakapin ang may-ari ng magandang boses na tumatawag sa akin.

Mas humigpit ang yakap ko nang marinig ko siyang tumawa.

"Sandali lang," hindi ko alam na sa akin na pala ang boses na 'yun.

"Are you dreaming?

"Hmm..." hindi ko kayang sumagot. Napakomportable ko sa posisyon na'to. Ang gaan ng loob ko habang nakayakap ako sa may-ari ng boses.

Nararamdaman ko ang mainit na paghinga niya sa dib-dib ko. Ngayon ko lang na napansin na ginagawa niya palang unan ang isang kamay ko. Habang ang isang kamay ko naman na nakayakap ay mag-isang gumapang sa buhok niya at patuloy itong hinimas.

"I like this feeling. Let's stay like this for a while," Hindi ko alam kung ako o kung sino ang nagsasalita. Siguro nga ako, dahil ang boses ay kahawig nang sa akin, pero hindi ko na ito pinigilan. Hindi ko din pinigilan nang ang katawan ko na mismo ang kusang hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya.

Ang huling natatandaan ko na lang bago ako kuhanin nang antok ay ang pakiramdam na may dumamping malambot na bagay sa labi ko. Hinalikan niya ako at hinayaan ko lang.

Hinayaan ko lang dahil...dahil gusto ko.

~~

Nagising ako sa tunong ng alarm clock.

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa napaniginipan ko kanina o ano. Pero parang ang saya ko ngayon?

Agad akong napatayo at agad na pinatay 'yung alarm clock sa gilid ko. Anong oras na ba?

"Belle?"

Agad kong hinanap ang babaeng nakitulog sa akin kagabi.

Nitong mga nakaraang buwan padalas na nang padalas ang pagtulog ni Belle sa bahay namin, partikular sa kama ko.

And no, we are not doing anything. Sa tuwing naalala ko 'yung gabing...basta 'yung may ginawa kaming dalawa, hindi ko na maatim na gawin ulit 'yun.

Nawala ako sa sarili ko nang mangyari 'yun. Hindi na 'yun mauulit. Hindi na.

Napalapit na din siya sa mga kapatid ko. They even like her over my ex. Especially Em-em, she treats Belle like her mom.

Tiningnan ko 'yung papel na nakadikit sa may table ko at binasa ang nakasulat doon.

'Nauna na ako, hindi na kita ginising ;) Remember the list that I formulated? Do the one that I underlined. Just choose any girl in the campus. See you later papabebe!'

-B

PS. Don't cheat I'll know. :*

Inilala ko 'yung pinagusapan namin sa sasakyan nung nakaraang buwan, 'yung listahan ng pinapagawa ko sa kaniya. Pero iba 'yung naalala ko. Naalala ko na naman 'yung kung paano niya ako halikan.'Yung kung paano ako nawala sa mga halik niya... 'Yung kung paano ang naramdaman ko habang hawak ko siya...'Yung...

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon