Season 2 | B |>> #Babo

74.2K 753 151
                                    

A/N

And kahit hindi ko alam Thank you for trending #FHBGFAGthebestSHREKstoryonWATTPAD! Nag 1st syang saglit nationwide at pang 10 worldwide den nag second na sa DNP after :*

Haha :D love yah!

~~

Season 2 | B |>> #Babo

Gem's POV

Nililinis ko ang violin ko nang pumasok siya. Automatic na nagbago ang mood ko. Psh. Panira talaga nang araw ang unggoy na'to.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

Dire-diretso siyang pumunta sa may sofa at humiga. Ang kapal! Nakakainis siya! Hindi niya ba alam na ang SC ay exclusive lang sa aming magkakaibigan?

"Sabi ni Kendrick, pwede naman ako dito,"

Pagsasabihan ko nga 'yun, kung kani-kanino kumakaibigan. Bad influence pa naman ang pangit na 'to!

"O, bakit ang laki naman yata ng ngiti mo? Hinay hinay lang baka mapunit 'yang panget na mukha mo," Kahit hindi niya makita, dumila pa din ako sa kanya. Sobra kasi ang ngiti niya, akala mo kung sinong nanalo sa Lotto.

"Manahimik ka ngang asong may galis ka! Sinisira mo ang mood ng gwapong si ako!"

Kita niyo? Ang kapal talaga! G-R-R!

"Saang banda aber? Excuse me for saying this pero mukha kang bakla!"

Okay sorry naman at wala na akong maisip na pang –asar sa kanya. Galit pa din kasi ako sa pang iwan niya sa akin kahapon. Pag kasabi ko sa kanya na November 25 kahapon, biglang takbo naman siya. To think na kinaladkad niya ako palabas sa classroom at i-blackmail ako na may ilalabas siyang scandal namin sa Quiapo. Like what the hell?

"Babo , dangsin-eun michin babo wonsung-i ibnida!" (Idiot, you are a crazy dumb monkey!)

Napaupo siya at tiningnan ako ng masama. Ako naman ay nagkunwaring hindi siya nakikita at pinagpatuloy na lang ang pag pupunas ko sa violin ko.

"Anong sabi mo?" Tss. Liit utak talaga.

Jeongmal babo , geuga nae gwajeong-eul ihaehaji moshaessda naega malhaessda . hangug-eo geulaeseo 'yun ! (Tanga talaga, Syempre hindi niya maintindihan 'yung sinabi ko. Korean kaya 'yun!)

Nang hindi ako sumagot, lumapit siya sa akin at umupo din sa lapag kaharap ko.

"Hulaan mo kung sino ang nagkaroon ng date sa sabado," aniya.

Tiningnan ko lang siya. Psh. Abnoy talaga. Kani-kanila lang ay parang papatayin niya na ako sa tingin niya at ibinida niya pa 'yung b-itch face niyang nakaka intimidate tapos, ngayon naman parang tutang nakakita ng dog food sa sobrang tuwa. 'Yung totoo, isip bata ba 'to o hindi?

I rolled my eyes at him. "Dangsin-eun dangsin-i mueos eul namgyeojuseyo anhneun chuhan geos!" (Ano bang paki ko sayo, umalis ka nga ang panget mo! )

Problema niya na 'yan kung hindi niya maintindihan. Para mas lalo siyang nagmukhang tanga. Tch.

"Arte mo aso!"

Spell gigil? G-R-R! Isa na lang, ipapalo ko sa kaniya 'tong violin ko! Psh. Hindi ako bayolenteng tao pero pagkaharap ko talaga si Justin, iba ang nararamdaman ko e. 'Yung tipong parang bulkan akong sasabog sa sobrang inis? Na iimagine ko na nga ang mga paraan para mawala na siya sa buhay ko. Tapos pag binurol siya tutugtugin ko sa kanya ang 'Dumb Ways to Die' O 'di ba? Masaya 'yun pag nagkataon! Bawas ng isang makating unggoy dito sa mundo. Kainis!

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon