Chapter 57: Distraction.

1.9K 47 15
                                    

Chapter 57

“Royce…” Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Nilagay ko ang kamay ko sa bibig ko. Pinipigilan kong umiyak ng umiyak pero hindi ko kaya. Masyadong masakit para sa’kin ang mga nangyayari.

Binaling ko ang tingin ko sa gilid ko para makalma ang sarili ko. Nakita kong wala palang ibang customer doon kung hindi kami. Nag-iwas ng tingin sa’kin ang mga crew ng restaurant.

Nang tumingin ulit ako kay Royce, nakita kong huminga siya ng malalim bago tumayo. Napaatras ako ng isang beses. Natatakot ako na baka magalit siya sa’kin. Kailangan ko yong tanggapin dahil umalis ako nang hindi nagpapaalam sa kanya.

“Sawa ka na ba sa kanya kaya bumalik ka?” Mabilis akong umiling. No… Royce. Nakita ko ang sakit na bumalot sa mga mata niya. “So, aalis ka ulit? Iiwan mo ulit ako?”

“No, Royce…” Sinabayan ko pa rin yon ng pag-iling. Hindi ko alam kung pa’no ko uumpisahan. Hindi ko alam kung pa’no ko ipapaliwanag sa kanya lahat.

“Yes, Hailey. Iiwan mo ulit ako.” Biglang tumulo ang mga luha niya. Mabilis akong umiling at lumapit sa kanya. Gusto kong hawakan ang mukha niya at punasan ang luha niya pero baka itaboy niya lang ako.

“H-hindi kita iniwan, Royce. Kahit kailan hindi kita iiwan…”

“Is three years not enough for you, Hailey?” Kusa rin lang tumutulo ang mga luha niya. Nakatingala ako sa kanya. “Because for me, it was hell.”

Parang kinukurot ang puso ko tuwing nababasag ang boses niya. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamasamang tao sa mundo.

“I-I’m so sorry, Royce…”

“Handa akong maging second choice, Hailey. Wag mo lang akong iiwan ulit.” Tumungo siya bago pasimpleng pinunasan ang mga luha niya. “Natatakot akong lumapit sa’yo. Hindi ko alam kung gusto kitang kausapin dahil ang nasa isip ko, baka magpaalam ka na sa’kin. Baka iiwan mo na ko ng tuluyan.”

Itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang hindi matigil na mga luha niya.

“So, I’m just admiring you from afar.” Pumikit siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganong posisyon. Gusto kong tumigil ang oras. Gusto kong mas matagal pa siyang matitigan.

“T-Tell me… sobra na ba kitang nasasakal kaya humanap ka ng iba?”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon