Chapter 16: A sign

2.9K 49 4
                                    

Chapter 16

Tinawagan ko siya nang makauwi na ko sa bahay pero walang sumasagot. Nakatulog na ko pero pagkagising ko wala akong natanggap kahit na text man lang kay Royce kaya hindi na ko nagdalawang isip, tumawag ako sa kanya. Hindi ko siya tinigilan.

Kahit nasa bahay na ko ng classmate ko para sa groupwork namin, tinatawagan ko pa rin siya. Kaya laking tuwa ko nang sinagot niya ang tawag ko.

“R-Royce…” sabi ko agad. “S-sorry na…”

“Alright… alam mo namang hindi kita matitiis, diba?” I heard him sigh. “Nakauwi ka ba ng maayos?”

“Oo naman. Sumabay ako kay Dana, sinundo kasi siya ng kapatid niya.”

“Hmm…” Nakita ko ang mga kaklase ko na nagsisimula na sa pag-aasikaso ng project namin.

“I need to go now, Royce. Mag-uumpisa na kami.”

“Okay, I love you, Hailey.”

“Love you. Bye.”

“Hey, wait, babe!”

“Ano? Kelangan nasigaw?” Natatawa kong tanong.

“Please… let me see you on Wednesday. After your class, let’s date. 6 pm?”

“Wednesday? Okay… sure. Just make sure you won’t skip your class, okay? Mag-aaway ulit tayo.”

“Okay, Ma’am. I love you po.”

Masaya akong binaba ang tawag niya. Napansin yon ni Dana kaya ngumiti rin siya sa’kin. Medyo natagalan kami sa paggawa ng requirements namin. Halos gabi na rin ng makauwi ako. Nasabi ko rin kay Dana yung date namin ni Royce sa Wednesday. Mas excited pa nga siya kesa sa’kin eh. Kaya naman laking dismaya ko nung nagyakag ang mga kaklase ko na kumain sa labas after class ngayong Wednesday.

“Guys, bawal ako ngayon eh. Aalis kasi ako—”

“Ang KJ naman, Hailey! Sandali lang naman tayo eh. Tsaka minsan lang to, palagi na kasi tayong busy. Ngayon na lang ulit nabakante ang sched natin.” Sabi ni Rea, classmate ko.

“Sige na, Hailey. Kasama naman ako.” Narinig kong sabi ni Dana. Tumango nalang ako sa kanya. Itetext ko sana si Royce na baka ma-late ako ng konti pero pipilitin ko na pumunta pero low batt pala ang cellphone ko. Ayokong mag-away ulit kami dahil dito.

Nag-enjoy ako sa biglaang gala namin ng mga kaklase at kaibigan ko. Pagkatapos non, nagyakag pa sila na pumunta sa videoke bar. Sumunod nalang ako. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 7 pm na. Hiniram ko agad ang cellphone ni Dana para i-text si Royce. Damn. I’m so late.

Nagpaalam ako kay Dana na aalis muna ako. Lumabas ako ng KTV room. I pressed Royce’s number right away.

To: Royce

Royce, where are you? Sorry, may biglaan lang ginawa. – Hailey.

Umupo ako sa gutter sa parking lot sa labas ng Videoke Bar. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ni Dana. Bakit kasi ngayon pako na low batt?

After 10 minutes biglang tumunog ang cellphone ni Dana. Nagulat ako ng mag-appear ang picture ni Royce sa screen. May picture siya ni Royce? Hindi ko na pinansin yon. Sinagot ko agad ang tawag niya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon