Chapter 18: My Hailey

3K 43 6
                                    

Chapter 18

“Kuya Dino, pwede bang umuwi na tayo? Sumama kasi ang pakiramdam ko eh.”

“A-ayos ka lang ba, Hailey?”

Tumango ako sa kanya. Pumunta kami sa parking lot. Hindi na nagpumilit si kuya Dino nung sinabi kong gusto ko ng umuwi. Napansin niya rin siguro na nawalan na ko ng gana. Hinatid niya ko sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko.

“Hija, kumain ka na ba? Bakit ang aga mo yatang nakabalik?” Rinig kong sabi ni lola mula sa kabilang pinto.

“Mamaya na po ako kakain, La!” Sigaw ko para marinig ako ni lola. Pumikit ako hanggang dinalaw na ko ng antok.

5:30 PM na nung magising ako. Pumasok agad ako ng cr para makapagpalit ng damit. Hanggang ngayon pala hindi pa ko nakakapagpalit.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko ang kapatid ko na nagmamadali sa pagkain. Naka-jersey siya at mukhang may laro na naman.

“Saan ka pupunta, Harley?” Tanong ko. Pinasadahan niya lang ako ng tingin. Umirap siya bago pinagpatuloy ang pagkain. “Dahan dahan naman, Harley, parang maghapon kang hindi nakakain ah?”

“Alis na ko!” Pinilit niyang sabihin kahit sobrang puno pa ang bibig niya. Mabilis niyang kinuha ang gym bag niya bago tumakbo papunta ng pinto. Napailing na lang ako.

Uupo na sana ako para makakain na rin ng biglang sumigaw na naman ang kapatid ko.

“Ate, may laro lang sa Leaf Grand, sunduin mo nalang ako kapag gusto mo na kong hanapin.”

“Siraulo ka!” Sigaw ko pabalik. “Bakit sinabi mo kung na’san ka kung gusto mo namang magpahanap?”

“Para hindi ka mahirapang maghanap!”

Bago pa ko makasagot, nawala na siya sa paningin ko. Leaf Grand? Siguro ang mga kaklase na naman niya ang kalaro niya. Sosyal naman ‘tong mga kaibigan niya, sa Leaf Grand pa nakatira.

Inubos ko ang pagkain ko. Nagligpit na rin ako para hindi na dumagdag sa ginagawa ni lola. Pagkatapos non, tumabi ako sa kanya sa living room namin.

“Hailey, hija…” tawag sa’kin ni lola nung nakitang nanonood lang ako. “Ihatid mo nga ito kay Harley sa Leaf Grand.”

Inabot niya sa’kin yung towel na nakalagay pa sa paper bag. May laman din na dalawang bote ng Gatorade.

“Binigay ko kanina sa kanya pero nakalimutan niya naman dahil mukhang excited yon na maglaro. Hindi ko naman mautusan ang Lolo mo at maya-maya pa raw siya makakauwi.” Hindi ko pinakita ang simangot ko kay lola. Ayokong pumunta ng Leaf Grand pero wala na kong magagawa. Pwede ko namang i-text si Harley na umuwi muna pero alam kong hindi niya ko susundin.

“Sige po, La.”

Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket. Naka-short lang ako pero hindi naman masyadong maikli. Hindi na ko nag-abala na magpalit ng damit dahil uuwi rin agad ako pagkatapos iabot ‘to sa kapatid ko.

Mabilis naman akong nakasakay at nakarating ng Leaf Grand. Napatingin ako sa waiting shed kung saan ko nakita yung mga lalaking lumapit sa’kin noon. Wala sila don. Nakahinga ako ng maluwag.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung malapit na ko sa guard house. Simula ng malaman kong dito siya nakatira, hindi na matahimik ang puso ko. Lintek.

“Kuya…” tawag ko sa isa sa mga nagbabantay na guard. Tumingin naman agad sa’kin. Kinabahan ako sa kunot ng noo niya. “May ibibigay lang po sana ako sa kapatid ko na nasa loob… may game daw po sila dito sa Leaf Grand.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon