Chapter 48: My fault.

1.8K 36 5
                                    

UGAMES TMRW! YEY! SEE YOU SA MAIN CAMPUS! :) GO CEMDS! Yipeeee! <3 And oops, drama's not my forte. Please bear with me. Hahaha! Love you guys! Sa comment, sa votes, sa private message, facebook message, tweet and everything, THANK YOU SO MUCH! <3

Twitter: @ChoMoisel

IG: ohmoyiemoi

Fb: Myzel Mae Oh

Ngayon lang ulit to, masyado lang hyper. Hart hart. :) 

Chapter 48

“Royce!” Natigil siya sa pagshu-shoot nang marinig ang boses ko. Kumaway ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti siya pabalik at naglakad papunta sa’kin. Nagsipulan pa ang mga kasama niya na siyang lalong nagpangiti kay Royce.

“My girlfriend seems so happy.”

“I AM!” I giggled.

“May I know why?” He smiled. He hugged me tight. “Hmm?” Hinalikan niya ang leeg ko. Lumayo ako dahil narinig ko ang pagsipol na naman ng team niya.

“Royce, ano ba? PDA ka masyado.”

“Tss, kapag nakikita kita, hindi ko napipigilan. Sorry.” He winked. “Anyway, bakit masaya ang pinakamamahal kong babae?”

“Ayos na kami ni Dana.”

Naging seryoso ang tingin niya sa’kin. Halos mabitiwan niya rin ang kamay ko. Hinila ko siya papunta sa exit.

“Isasama niya ko bukas sa—”

“Ano na namang sinabi niya sa’yo? Hailey, minsan na niyang sinira ang relasyon natin. Pa’no kapag ginawa niya ulit yon?”

“No, Royce. Nag-usap na kami. Nag-sorry na siya at sinabing hindi na niya tayo guguluhin. Everyone deserves second chance, Royce. Give her this chance to prove herself, kapag hindi naging maganda ang result… alam mo namang ikaw ang pipiliin ko diba?”

“Pa’no kung ito yung way niya para masira na naman tayo, c’mon Hailey. Ayoko na. Takot na kong mawala ka ulit.”

“Ang nega mo kasi. Bakit hindi mo pagbigyan yung tao? Bahala ka nga.”

Inirapan ko siya at tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko siya pinansin.

“Damn it.” Hinila niya ko papunta sa gate 1. Naka-gym bag na siya. “I told you, she’ll ruin this relationship. Ngayon palang nag-uumpisa na.”

“Hindi naman ah! Nagiging oa ka lang.” Hinawakan ko rin ang kamay niya. “Okay na ha? Give her chance. Namiss ko rin ang best friend ko.”

“Alright.” Sabi niya nung pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya. “Para sa’yo kaya ko ginagawa ‘to. Hindi para sa kanya.”

“Thank you, Royce.” Ngumiti siya sa’kin at akmang isasara ang pinto ng bigla ko ‘tong pigilan. “I love you, babe.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon