Chapter 25: Parents

2.7K 45 2
                                    

Chapter 25

 

 

 

Tumitingin ako sa paligid habang naglalakad palayo. Nasa paligid ba siya? Nakita niya ba na kasama ko si kuya Dino? Oh, geez! Bakit natatakot ako? Dapat under siya ha?

 

“Oops.” Iyon ang huling narinig ko bago ko naramdaman ang malamig na semento. Naramdaman ko rin ang matinding kirot sa paa ko. Napapikit ako dahil sa sakit. “Sorry, Miss.”

 

Yun lang at umalis na siya. Napatingin ako sa likod niya habang papalayo siya. Ni hindi man lang ako tinulungan? Kapal ng mukha ng lalaking yon!

Dahan-dahan akong tumayo. Muntik na kong matumba ulit nang maramdaman ko ang sakit sa paa ko mabuti nalang at nabalance ko ang sarili ko. Paika-ika akong naglakad hanggang sa makarating ako sa room. Sumandal ako sandali sa pader para ipahinga ang paa ko. Napabuga nalang ako ng hangin ng makitang sobrang pula na nito.

 

“Anyare, friend?” Tanong ni Gina nung makita akong nasa labas ng room namin. Marami siyang dalang folders, mukhang nagpapaka-President na naman ‘tong si Gina.

“Ano ‘yan?” Tanong ko.

“Checklist natin. Ia-update daw natin.”

“Bakit ngayon lang?”

“Alam mo naman ang school.” Tumawa siya. “Kapag may time lang naga-update syempre damay na rin ang estudyante.” Kumunot ang noo niya. “Ano bang hinihintay mo dyan? O sino? Yiee! Pero infairness, para kang model ng pader.”

 

Halos hambalusin ko siya ng bag ko kung hindi lang siya nakapasok agad sa room. Tumatawa pa siya habang pumapasok. Tumayo ako ng maayos pero napabalik sa pagsandal nung sumakit na naman ang paa ko. Damn.

Iika-ika ulit akong pumasok ng room. Sa pinakadulo nalang na upuan ako pumwesto para hindi na ko mahirapan. Good thing walang arrangement kapag college na.

 

“Bakit andyan ka, Hailey? Dito ka sa tabi namin!” Narinig kong sigaw ni Nami nang mapansin ako sa dulo. Umiling lang ako bago tumingin sa paligid. Nung makita ko si Dana ay agad ko siyang tinawag.

 

Tumingin siya sa’kin bago ngumiti. Hindi naman siya nagdalawang isip na tumabi sa’kin.

 

“Bakit nandito ka sa dulo?” Tanong niya pagkalapag niya ng bag niya sa arm ng armchair namin.

“Wala lang. Para maiba naman.” Ngumiti ako sa kanya. “Nag-usap kayo ng Mama mo?”

“Yes.” Ngumiti siya ng sobrang laki. “Sabi niya nag-usap na ulit sila ni Papa. Mukhang nagkaayos na naman sila. Hindi daw kasi nila kaya kapag pati kami ay naaapektuhan na.”

“Good news!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Natatawa rin siyang yumakap sa’kin pabalik. Nung humiwalay ako sa kanya ay nakangiti pa rin siya.

 

My best friend’s back! Pati ako nahawa na sa saya kahit na alam kong lagot na naman ako mamaya.

Nang dumating ang ala-una ng hapon, nagstart na ulit ang klase. Hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil sa sakit ng paa ko. Napansin na yon mga kaklase ko dahil pagkatapos ng klase namin dito sa Room 204 ay lilipat na kami sa third floor.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon