Chapter 34: Give me time.

2.6K 39 19
                                    

Chapter 34

“San ka galing? Kanina pa kita tinatawagan.” Salubong sa’kin ni Dana nung umupo ako sa tabi niya.

“Bumili ako ng snacks tsaka Gatorade para kay Kuya Dino.”

“Yiee.” Ibang ngiti ang binigay niya sa’kin. “Iba na yan.”

Hindi ko nalang siya pinansin. “Ikaw talaga.”

Mabilis natapos ang araw. Pauwi na kami nang masalubong namin sina Nami. Kinabahan ako bigla. Pa’no kung nakita pala nila ako kanina? Malalaman ni Dana na nakipagkita ako kay Royce.

“Hailey! Dana!” Nakita ko rin sa likod nila si Levi na mukhang iritado. Hindi man lang siya tumingin sa’kin. “Grabe! Hindi niyo napanood si Royce! Ang galing niya!”

Nakahinga ako ng maluwag nung malaman na hindi nila ako nakita. Gusto kong itanong sa kanila kung anong ginagawa ni Royce ngayon pero hindi ko magawa. Kasama ko si Dana.

Nagulat ako nang biglang naglakad paalis si Levi. Hindi man lang niya ko kinausap. Aasa pa ba ako? Alam kong galit siya dahil sa pagkakaalam niya, hindi ako nanood ng game ni Royce.

“Anong problema non?” Tanong ni Nami. “Porket binatukan ko kanina, nagwo-walkout na? Tss. Whatever, alis na kami, Dana, Hailey. Nagyaya lang kumain yung isang yon eh.”

Tumango ako. Sinundan ko sila ng tingin. Pagtingin ko kay Dana ay nakita kong nakatingin din siya kay na Nami.

“Ahm, una na ko, Dana.”

Bigla siyang humarap sa’kin. “Sabay na tayo. Uuwi na rin ako.”

“S-sige…”

Nagbyahe na kami pauwi. Tahimik lang kami sa byahe. Hindi ako sanay na ganon. Kadalasan kasi kapag nagkakasabay kami noon, palaging maingay sa buong jeep. Ngayon parang nagbago lahat. Parang nagkakapaan pa kami. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Naabutan ko si Harley na nanonood nung pumasok ako sa bahay. Ang alam ko ay nasa school siya kanina. Tinapos niya kaya yung game?

Bakit nandito ka na?” Tinapunan lang ako ng tingin ni Harley bago tumingin ulit sa TV. Nagkibit balikat lang ako. Nilagay ko ang bag ko sa sofa bago tumabi sa kanya. Ginulo ko ang buhok niya. Kumunot agad ang noo ni Harley.

“What the?” Ngumiti ako sa kanya. Sinandal ko ang ulo ko sa sofa bago pumikit.

“Gutom na ko, Harley. Pagluto mo naman ako.”

“Hintayin mo nalang umuwi si Lola. Nag-grocery daw siya.”

“Kanina ka pa dito?”

“Kadarating ko lang. Nag-iwan ng note si Lola.”

“Okay…”

“Aish!” Hindi ko pinansin ang kapatid ko. Nagulat nalang ako nang higitin niya ko palabas ng bahay. Ni-lock niya agad ang pinto. “Badtrip pa rin ako sa’yo. Kung hindi lang pinabantayan ni—aish!”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon