Chapter 51: Contact

1.7K 36 2
                                    

Chapter 51

Hindi ko alam kung kaya kong magpakita kay Royce ngayon. Parang ayokong makitang aalis siya kahit sandali lang yon. Narinig ko na naman na tumutunog ang phone ko. Binalewala ko yon kahit gustung-gusto kong sagutin. Maya-maya ay tumigil na sa kakatunog ang phone ko. Nakita kong nag-iwan nalang siya ng message.

From: Royce

Babe, I’m gonna miss you. Please answer my call kung ayaw mong isama kita paglipad ko.

Tapos tumunog ulit ang phone ko. Lumabas ako ng bahay nang hindi sinasagot ang tawag niya. Sumakay agad ako ng taxi. Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na ko ng subdivision nila. Nakilala ako ng guard kaya pinapasok na nila ako. Hindi na ko nakapagpaalam kina Lola kahit gabi na. Hindi rin naman nila malalaman ‘to dahil nasa probinsya na sila ni Lolo.

Siguro nga mas makakabuti kung doon muna si Lolo. Noong nakaraang araw lang sila umalis. Wala nang nakaalam sa mga kaibigan ko kahit si Royce. Sasabihin ko nalang siguro sa kanya pagkabalik niya. Naging busy rin kasi siya dahil sa nalalapit nilang pag-alis hindi ko gustong dumagdag pa sa alalahanin niya.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Unang ring palang ay sinagot na niya agad.

“Kanina pa kita tinatawagan. Papunta na ko sa airport. Ayaw mo ba ko makita?”

Hindi ko napigilan ang paghikbi ko. Natahimik siya sa kabilang linya.

“Damn it. Kelangan kitang makita bago ako umalis, alright? Pupunta ako ngayon dyan.”

Nakita kong nagmamadali nga siya palabas ng bahay nila. Nakablack-sweatshirt siya at pants. Simple lang pero ang lakas pa rin ng impact sa’kin. Halos mabitiwan niya ang cellphone niya nang makita ako sa labas ng gate nila. Nanlaki ang mata niya at nang makabawi ay agad akong niyakap.

“Ayokong umiyak ka ngayon aalis ako. Gusto kong isipin mo lang na babalik ako. Sandali lang ako, Hailey. After two weeks magkikita rin agad tayo. Tatawag agad ako sa’yo.”

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

“Wag ka nang umiyak.” Pumikit siya ng mariin bago ako muling tinignan. “Ayoko nang umalis…”

“No!” Lumayo ako sa kanya bago ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. “Mamimiss lang kita.”

“And I’ll miss you, too. You know that.” Hinalikan niya ang noo ko.

“Bro, let’s go!” Narinig kong tawag sa kanya ni Levi. Nagulat siya nang makita rin ako sa labas ng bahay nina Royce. “Oh, hi, Hailey! Change of mind?”

Umiling agad ako. Last week pa kong pinipilit ni Royce na isama ako. Gusto niyang ipakilala rin ako sa daddy niya pero hindi ako pumayag. Dagdag gastos lang at makakaistorbo lang ako sa moment nila.

Nauna na ang Mommy niya sa pag-alis. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila nagsabay nina Royce. Hindi naman nagtagal ay naayos na ang gamit nina Royce sa van na maghahatid sa kanila sa airport. Hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit dala dala niya ang bag niya.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon