Chapter 65.2: Royce's Point of View

1.7K 48 9
                                    

Chapter 65.2

“Gusto mo tulungan kita para mapalapit ka sa bestfriend ko?” Napatingala ako sa nagsalita. Oh, damn. What’s her name again? Sinubukan kong isipin. Dorry? Diana? Ehh? “I’m Dana. Bestfriend ni Hailey.”

“Ahh.” Ngumiti ako sa kanya. Kapag naririnig ko ang pangalan ng pinakamamahal ko, hindi ko mapigilan ang pagngiti. “Hello… ano nga ulit sinabi mo?”

Narinig ko ang pagsipol ng mga kaklase ko pero hindi ko pinansin yon. Lumayo kami ng konti sa tambayan namin.

“Napansin ko lang kasi na madalas kang nakatingin kay Hailey. May gusto ka ba sa kanya?” Madalas niya kong makitang nakatingin kay Hailey. Ibig sabihin ay madalas din siyang nakatingin sa’kin? Oh, well. Can’t blame her.

“Thank you. Pero kaya ko na.” Mukhang nagitla siya sa sagot ko. Nagpaalam ako bago umalis. Makukuha ko siya dahil sa paghihirap ko at hindi dahil sa tulong ng iba. Si Hailey ang tipong mahirap abutin pero gustung gusto kong maging akin.

Kaya hindi ako nagsayang ng panahon. Nanligaw ako sa kanya. Ginawa ko lahat para maging masaya siya. Kahit wala ako sa tabi niya, gusto kong mapapasaya ko pa rin siya. At sobra sobra pa ang naramdaman ko nang sagutin niya ko.

“Yes, babe. Isasama kita minsan.” Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngisi. Nasa kwarto ako habang kausap ko siya sa phone. Minsan lang niya nasasagot ang tawag ko dahil madalas siyang busy sa pag-aaral pag-uwi niya sa bahay. Kaya sobrang saya ko ngayon. Pero iba pa rin kapag kasama ko na siya.

“Wag na. Alam ko namang busy ka sa studies.” Oh, babe. Kaya kong ipagpaliban lahat para sa’yo. “At tsaka wala ka bang assignment? Tawag ka ng tawag tapos mamaya may gagawin ka pa pala.”

Lalo akong napangiti. Niyakap ko ang unan at in-imagine na ang girlfriend ko iyon. “Wala naman. Ikaw? Hindi ka ba busy?”

“Hindi naman. Pupunta ako sa bahay nina Dana. Dun kami maggu-group study.” Bigla akong napaupo sa kama ko. Bakit hindi niya nabanggit sa’kin agad ‘to?

“Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin? May kasama ka ba?” Tumayo ako bago kumuha ng jacket sa closet. Nagsuot din ako ng pants habang kausap siya. Tumingin ako sa orasan at nakitang 8 pm na.

“Magkikita na kami sa tapat ng bahay nina Dana. Malapit din naman yung bahay nina Dana sa’min so..”

“Babe, kahit na. Dapat alam ko lahat ng gagawin mo. Pa’no kung may mangyaring masama sa’yo?” Oh, fuck. Hindi ko makakaya. “Ihahatid kita papunta sa bahay nila. Hintayin mo ko.”

“Wag na, Royce!” Hindi ko pinansin ang pagsigaw ng girlfriend ko pero hindi ko pa rin binababa ang tawag. Gusto ko lang marinig ang boses niya. “Baka makita ka nina Lola…”

“Kaya nga ako pupunta…” Mahina kong sabi. Nakita ko ang pinsan ko pagbaba ko ng hagdan. Sumenyas akong lalabas sandali. Tumango lang siya. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko bago umalis. “Kung hindi ka pa handang ipakilala ako, ayos lang sa’kin. Kaya ko namang maghintay eh.”

Alam ko sa sarili kong masakit pa rin na lihim pa rin ang relasyon namin. Pero hindi ko gustong pangunahan ang girlfriend ko. Kung saan niya gusto ay doon ako.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon