Chapter 9: Damn love

3.3K 48 7
                                    

Multimedia: Skyla Hailey <3

Chapter 9 (Damn love)

“Tip no. 1, titigan mo siya sa mata.” Umirap ako at napailing sa sinabi ni Nami. “Oops! Huwag na huwag mo siyang iirapan dahil ang mga lalaki, ayaw sa suplada.”

“At pa’no mo naman nalaman yon? Lalaki ka ba?” Nakasimangot kong tanong sa kanya pero hindi niya pinansin ang tanong ko.

“Tip no. 2, ngumiti ka sa kanya.” I can’t imagine myself smiling at him! Siguro noon, kaya ko pa. Ngayon? I don’t know.

“Tip no. 3, introduce yourself sweetly. Syempre kelangan kilala ka niya at dapat sweet.” Eye-roll. Kilala na ko non.

“Tip no. 4…”

Nagpatuloy pa ang pagbibigay niya ng tips para mas mapadali ko daw makuha ang number ni Royce. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko kung kayang kaya ko namang kunin ang number niya sa kapatid ko? Ayoko lang na maghinala sila sa kung anong meron kami ni Royce dati.

“Nakuha mo ba, Skyla Hailey?”

“Opo, madam.”

“Good. Now you proceed. Tapos na klase nila.”

Nanlamig ako nung makita kong tumatayo na sila at naghahanda na para lumabas. Kaya ko ba to? Parang gusto ko yatang mag-cr muna. Bakit kasi sumali pa ko sa pesteng pustahan na yon!

“You go girl!” Tinulak pa niya ko para mapalapit sa may pinto kung saan lumalabas na ang ilan nilang kaklase. “You can do it!”

Tumingin ako kay Dana para humingi ng tulong pero katulad ni Nami, tinulak niya rin ako para mapalapit pa lalo. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pa’no ko ba gagawin to? Isa pa, kukunin mo lang ang number niya. Hindi naman mahirap gawin yon. Kung hindi niya ibibigay, edi mabuti.

“Royce!” Sigaw ni Nami.

Parang gusto kong pukpukin ang puso ko ng bigla na naman ‘tong nagwala. Tamad na tumingin si Royce sa pwesto namin. Mukha siyang nagitla nung makita akong nakatayo sa gitna ng hallway habang diretsong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko sobrang pula ng pisngi ko. Dammit!

Bahagyang nakabukas yung bibig niya at hindi tinanggal ang tingin sa’kin. Kahit alam niyang hindi ako ang tumawag sa kanya, sa akin pa rin siya nakatingin.

“Go, Hailey!” Tinulak ulit ako ni Nami papalapit. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtili. Parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Ayokong gumalaw. Ayokong lumapit sa kanya.

Matagal kaming nagkatitigan. Nang mapadako ang tingin ko sa katabi niya, dun lang ako natauhan. Nakatingin din sa’kin ang ibang kaibigan niya. Halos nakataas ang kilay sa’kin ni Annika. Halatang hindi nagustuhan ang ginawang pagtawag ni Nami kay Royce.

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon