Chapter 12: Start Again

3.1K 43 2
                                    

Chapter 12 (Start Again)

“Forget it. I don’t want another heartbreak.” Ngumiti siya ng malungkot sa’kin. “Please, hayaan mong ihatid ko na kayo ni Harley. Please, Hailey.”

Parang may kung anong sumapi sa’kin dahil napatango nalang ako sa kanya. Sana pagkatapos nito wala na. Layuan niya na ko. Lalo lang akong naguguluhan.

“Ate! Tara na!” Sigaw ni Harley. Lumapit siya sa pwesto namin. Nakipag-high five pa siya kay Royce. Nag-iwas ako ng tingin. “Ayos ka lang, ate?”

Tumango ako. “L-let’s go… mauna ka na, susunod ako.” Sabi ko kay Royce.

Naglakad na sila ni Harley. Sumunod lang ako sa kanila. Naririnig ko silang nagtatawanan pero hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Lutang pa ang isip ko. It was my fault. Kaya siya umalis ay kasalanan ko din.

“Hailey, ayos ka lang ba?”

“Y-yes…”

Kumunot ang noo sa’kin ni Royce. Nakita ko ang sasakyan niyang nakapark sa harap ng isang malaking bahay. “Hailey…”

“I-I’m fine… alis na tayo. Please.”

Tumango lang siya pero iba pa rin ang tingin na binigay sa’kin habang pinagbubuksan ako ng pinto ng X3 niya. Sa likod pumwesto si Harley na para bang sanay na sanay na sumakay sa sasakyan ni Royce. Umikot si Royce papunta sa driver seat.

“Bahay niyo ba to, Kuya Royce?” Dumungaw si Harley sa pagitan ng upuan namin ni Royce. Nagdrive na siya papunta sa subdivision namin. Tumanaw nalang ako sa labas ng bintana.

“Oo. Sorry kung di ko na kayo napapasok. Mukhang nagmamadali ang ate mo eh.” Hindi ko siya pinansin. Nakatingin pa rin ako sa labas. Iniisip ko nalang na wala akong kasama.

“Kuya Royce, may girlfriend ka ba?”

“Wala. Bakit?”

“Wala lang… wala ring boyfriend si Ate Hailey eh.”

“Talaga?” Ramdam ko ang ngisi niya habang sinasabi yon. Napairap nalang ako. Ano naman sa’yo kung wala akong boyfriend?

“Yep! Ikaw nalang kaya, Kuya Royce? Para naman bumait sa’kin ng konti si Ate.”

“Kung pwede lang eh…” Tumingin ako sa kanya. Sumulyap din siya sandali sa’kin bago binalik ang tingin sa daan. Nakataas pa rin ang sulok ng labi niya. Ikaw lang ang nasisiyahan sa sinasabi ng kapatid ko. Tss.

“Shut up, Thunder Harley. Kayang kaya kitang ipahulog kay Royce.” Sabi ko sa kanya. Lalong lumapad ang ngisi ni Royce. Umirap nalang ako sa kanya.

“C’mon, Skyla Hailey!”

“Call me ate!”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon