Chapter 58: Sorry, girlfriend.

2.3K 38 9
                                    

Chapter 58

“Let’s go somewhere.” Sabi niya. Tumango ako. Nakaupo na kami ngayon sa table. Kelangan ko ngang dalhin sa hospital si Royce. Napatingin ulit ako sa sugat niyang hanggang ngayon ay nagdudugo pa rin.

“Ma’am…” Inagaw ng crew ang atensyon ko. Nakita ko ang hawak niyang baso ng tubig.

“Thank you.” Tumango lang siya sa’kin bago humarap kay Royce. Inabot niya ang tubig kay Royce. Tinanggap niya naman iyon pero hindi siya uminom. Pinatong niya rin lang sa table.

“Maaga na kayong mag-close. Salamat.” Tumango ulit siya bago umalis. Nanlaki ang mata ko.

“You own this place?”

“Nope. Mom’s.”

Tumango ako habang hindi pa rin nakakamove on. Hindi ko alam ang mga achievement niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ng mga panahong wala ako.

“What are you thinking?” Nilapit niya ko sa katawan niya bago niyakap ng mahigpit. Umiling ako.

“I want to kiss you again. But I know you’re starving, let’s eat first.”

“H-hindi ako gutom…”

“So you want my kiss?” Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Nanlaki ang mata ko bago siya tinampal sa dibdib. Namula ang mukha niya bago hinuli ang kamay ko at dinala yon sa labi niya. “I missed your touch. Oh, God. I missed you.”

“I missed you, too.” Hinalikan niya ng mas matagal ang labi ko. Nakalimutan ko na kung na’san kami. Hinalikan ko siya pabalik. Naramdaman ko ang pagngiti niya habang hinahalikan ako. “Why are you smiling?”

Hindi siya sumagot. Hinalikan niya pa ko ng isang beses bago hinila patayo. Sumunod ako sa kanya. Nagpaalam sa kanya ang mga crew. Ngumiti lang si Royce. Nang nasa labas na kami ay hinila niya ako para mas mapalapit sa kanya. Hawak hawak niya ang bewang ko at para bang ayaw niya kong bitiwan.

“Let’s go to my place.”

“Dumaan muna tayo sa hospital.”

“Bakit?” Hinarap niya ko. “May masakit ba sa’yo?”

“Wala…” Natatawa kong sagot. “Nagdudugo pa yung sugat mo oh. Kung bakit ba kasi sinuntok mo yung glass? Ikaw pa ang nasaktan.”

“Gusto ko lang ilabas ang galit na nararamdaman ko. Iniwan kitang mag-isa habang naghihirap ka. Samantalang nandito ako… sinusubukang kalimutan ka.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon