Chapter 20: Upset

3K 48 8
                                    

Chapter 20 (Upset)

“Pre, ang landi. Hatid mo na si Ms. Beautiful. May klase pa tayo.” Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng kasama niya. Pinilit kong samaan ng tingin si Royce.

“Yes, I know. I know. Stop calling her Ms. Beautiful. May gusto ka ba sa kanya, ha?”

“Geez. Ang oa. Para kang babae.” Umiling iling lang yung kasama ni Royce habang nakangiti. Si Royce naman, hindi hinihiwalay yung tingin sa’kin.

“Alright, ihahatid lang kita tapos babalik na ko sa klase ko. Alam kong ayaw mong nags-skip ako ng class.” Inayos niya ang pagkakahawak sa bag ko. “San ka muna ngayon? Wala ka pang klase.”

“No, I have a better idea.” Tumaas ang kilay niya. Halatang gustong mapakinggan kung anong sasabihin ko. “Um-attend ka na sa klase mo tapos ako naman, pupunta na kung saan dapat ako pupunta. Okay ba ‘yon?”

“Nope. My idea’s better than yours. Ihahatid kita bago ako umattend ng klase ko. So let’s go now.” Bumaling siya sa kasama niya. “Go now, Alec. Istorbo ka eh.”

“What? Sumabay lang ako dahil nasa COM lang din ang girlfriend ko. Alright, uuna na ko. Magkikita rin naman tayo don.”

Ngumiti lang siya sa’kin bago naunang naglakad papunta sa COM. Nakita kong may kinausap pa siya na mukhang kakilala niya.

“Hey…” Tinakpan ni Royce ang mata ko gamit ang kamay niya. “I’m jealous. Wag mo siyang sundan ng tingin. May girlfriend na ‘yon. Ako nalang tignan mo, single ako.”

“Hindi ako makakita, Royce.” Hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin.

Sumimangot siya sa ginawa ko. “Alright, let’s go now.”

Sinabayan niya ko maglakad. Ramdam ko ang tingin sa’min ng mga estudyante pero parang wala lang ‘yon kay Royce. Naiilang ako dahil ayoko ng ganitong atensyon. Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya para mawala lahat ng titig sa’kin ng iba.

Ayos ka lang, Hailey?” Bumaling sa’kin si Royce. Tumango lang ako, then I sighed. “May gagawin ka ba mamaya?”

“I-I don’t know. Hindi a-ako sure. Bakit?”

“Hmm…” Hinakawan niya yung kamay ko para makuha ang hawak kong reg form. Tinignan niya ‘to sandali bago binalik sa bag ko. Dapat pinapagalitan ko siya ngayon pero hindi ko magawa. Ganito rin siya nung kami pa. Palagi niyang tinitignan ang schedule ko. “Mamayang 4 pa ang labas mo. Ihahatid kita.”

“Hindi mo na kelangang gawin ‘yon. Kaya ko namang magbyahe pauwi eh. At isa pa, hindi na naman tayo kaya hindi na dapat nating pinapakialaman—”

“Which part of ‘I want you back’ do you not understand, Skyla Hailey?” Tumigil kami sa harap ng COM. Nakita ko agad sina Dana sa may bench. Seryoso siyang nakatingin sa’min ni Royce pero nung nakita niyang nakatingin ako ay ngumiti siya. Ngumiti ako ng pilit bago binalik ang tingin kay Royce. I sighed.

“You have to go. Nandito na ang mga kaibigan ko.” Tumingin siya sa bench bago sa’kin ulit.

“Okay. Aalis na ‘ko. Ihahatid kita mamaya. I won’t take a no for an answer.” Binigay niya sa’kin yung bag ko. Nag-thank you lang ako sa kanya. Tinignan ko siya habang nakatalikod siya sa’kin. Maglalakad na sana ako paalis nang bigla siya ulit humarap. “Trust me, Skyla Hailey. I can win you back. Hindi kita mamadaliin pero asahan mong hindi ako titigil hangga’t hindi ka ulit napapasa’kin.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon