Chapter 17: Broken

3.2K 45 8
                                    

Belated Happy birthday Airenan & Tao. Love you both! Hahaha. <3

Chapter 17 (Broken)

“Salamat sa paghatid.” Sinabi ko sa kanya nung makitang nasa tapat na kami ng bahay namin. “Ingat ka pag-uwi.”

Tumango lang siya tapos bahagyang sumilip lang sa bahay. Umalis din naman siya agad. Pumasok ako sa loob ng bahay, sinalubong ako ng nakangiti kong kapatid.

“What?” Nakataas kilay kong tanong. Aba! Bihira lang ako umuwi na nakangiti sa’kin ang kapatid ko. “Thunder Harley.”

“What?! Problema mo?” Biglang nawala ang ngiti niya. Iniwas niya ang tingin niya bago sumimangot. Napaka-bipolar lang. Umupo ako sa tabi niya tapos ginulo ang buhok niya. Ngumiti ako nung makitang lalo siyang sumimangot.

“Harley…” Tumingin siya sa’kin sandali. Tapos inirapan ako. Hindi ko nalang pinansin dahil ayokong mag-away kami. “Okay ka lang ba sa school?”

“Kelan ba ko naging hindi okay sa school ko?”

“I’m just asking. Relax.” Nilagay ko ang bag ko sa side tapos sumandal sa upuan. “Kamusta na kayo ng Kuya Royce mo?”

Tumingin siya sa’kin habang nanlalaki ang mga mata. Nginitian ko lang siya. Pumikit ako bago tinuloy ang pagsasalita. Wala naman yatang balak ang kapatid ko na kausapin ako.

“Namimiss mo na bang mag-basketball kasama siya?” Hindi pa rin siya sumasagot. Palagi niyang kasama si Royce mag-basketball nung kami pa. Hindi varsity player si Royce. Naglalaro lang siya kapag nabo-bored na siya. “Magkatext pa ba kayo? Anong pinag-uusapan niyo?”

“Ikaw.”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagmulat ako ng mata at direstong tumingin sa kanya. Nakatingin din lang siya sa’kin. Parang pinag-aaralan kung may mababasa siya sa mukha ko.

“Gusto niyang malaman kung natutulog ka na kaya palagi kitang sinisilip sa kwarto mo. Gusto niyang malaman kung nakakain ka na bago umalis ng bahay. Kung papasok ka na ba ng school. Syempre tinatanong niya rin kung kamusta na ko.” Sumandal siya sa upuan katulad ko. “O bakit mukhang nagitla ka?”

“G-ginagawa niya yon?”

“Oo. Bakit kasi hindi mo siya reply-an? Bakit nga pala natanong mo yan? Nililigawan ka na ba ulit ni Kuya Royce?”

Nanlaki ang mata ko. “Pa’no mo nalaman?”

“Hmmm…” He smirked. “Syempre ako muna makakaalam bago ka. Sa’kin kaya nagpapaalam si Kuya Royce.”

“W-what?”

“Ate, ako ang laging ka-text ni Kuya Royce. Kung gusto mong mauna sa balita, i-text mo rin siya.”

“Harley!—”

“At gusto ko kasing makasigurado na magiging okay na ang lahat. Ayokong nakikita kang umiiyak na naman dahil sa kanya. Kahit na mukhang si Kuya Royce ang mas nasaktan, ikaw pa rin ang kapatid ko. Ikaw ang kakampihan ko.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon