Chapter 28: Accident

2.8K 37 9
                                    

Chapter 28

Last day ng exam. Natutuwa ako dahil isa nalang ang naiwan naming subject. Ito talaga ang ni-request namin sa professor namin, gawing Thursday ang exam sa kanya para makapag-aral kami ng matagal. Alam kasi naming ito ang pinakamahirap sa lahat.

“Oh my, God! Natapos din! Sa wakas!” Lahat ng mga kaklase ko, paglabas ng room, ay ngiting ngiti na. Maging ako man ay napangiti na rin. Hindi ko na kelangang magpuyat.

“Tara Magallanes!”

“Sa bahay nalang!”

Napapailing nalang ako habang inaayos ang gamit ko. Madali kong sinabit ang bag ko sa balikat ko.

“Kontiki tayo? Knuckles?”

“Grabe kayo! Maghahanap lang kayo ng chix don no!”

“Edi sa bahay niyo na nga lang, Kath.”

“Ayan! Payag naman sina Mommy na uminom tayo, wag lang sosobra.”

“Sama kayong lahat ah! Walang kj!”

Hinintay kong matapos sa ginagawa nila sina Gina. Nakikipag-usap sila kay Kath. Mukhang sasama sila sa ‘inuman’ na magaganap. After Midterms, nagkakaroon ng gala ang buong section namin. Hindi ko alam kung bakit naisipan nilang mag-inom ngayon. Walang kaso ‘yon sa’kin kasi hindi naman ako makakasama.

1 PM natapos ang exam namin. Ito lang ang subject na 2 hours halos kami nag-exam.

“Hailey, sasama ka?” Tumingin ako kay Dana. Nakangiti siya sa’kin. Umiling lang ako bilang sagot. Hindi naman papayag sina lola na uminom ako—

“What? Bakit? Dahil hindi ka papayagan ni Royce na naman? Bakit ba pumapayag kang kontrolin niya ang buhay mo? Kung si Kuya Dino siguro, papayagan ka ‘non kahit saan ka magpunta.”

“Dana, walang alam si Royce tungkol dito.” Kumunot ang noo ko. “Bakit nasama siya sa usapan? Sina Lola lang ang iniisip ko. Alam kong hindi nila ako papayagan.”

“Whatever, Hailey!” Inirapan niya ko. “Ako na bahalang magpaalam kay Lola Gemma. Basta sasama ka, okay? Papasundo nalang tayo kay Kuya pagkatapos o kaya dun na tayo matulog kina Kath.”

Ngumiti siya sa’kin pagkatapos. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano namang idadahilan ko kay na lola nito?

“Sama ka, Hailey?” Tanong ni Gina nung makalapit siya sa’min. Kasunod niya si Nami na mukhang nasasayahan din sa mangyayari mamaya.

“Hindi ko pa sure—”

“Sasama si Hailey!” Tumawa si Dana pagkatapos niyang sabihin ‘yon.

“Good!” Nag-appear sila ni Gina. I know. Hindi kasi ako mahilig sumama sa mga ganito. Nang mag-college na ko, mas naging focus ako sa pag-aaral. “Mamayang 5:30 pm daw sa Estancia ang meeting place. Bawal ma-late.”

Naglalakad na kami palabas. Problema ko pa rin kung sasama ako o hindi. Hindi ko naman gustong magalit sa’kin ang mga kaibigan ko kung sakaling hindi ako makakasama. Tss. Bahala na nga!

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon